Epilogue

717 27 4
                                    

Epilogue






Bumalik ang lumilipad kong isip nang tapikin ako ni Pablo sa balikat. Saka ko lang narealize na matindi na ang pagtitig ko kay Josh. Ni hindi ko napansin na nasa tabi ko na siya, kanina ay naroon siya sa harap ni Josh at Stell na nagsasanay ng choreography.

"Kung makatitig akala ko ay maglalaho kapag kumurap ka," tukso ni Ken sa'kin.

Tinapunan ko lang ng tingin si Ken na busy sa kaniyang pagpipinta sa'ming props. Binalik ko ang tingin sa sariling pinipinta. Napasinghap ako nang makitang wala na sa ayos ang mga kulay. Sinubukan kong ayusin 'yon pero lalo lang nagkalat ang pinta sa kapirasong tela.

Bumuntong hininga si Pablo sa gilid ko.

"Get yourself some water, Jah," utos niya sa'kin.

Tinabi ko ang gamit kong paintbrush.

"Get some for Josh too," udyok niya sa'kin.

Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit. Tinignan niya lang ako ng makahulugan. Napabuga ako ng hangin. Pablo knows, of course nagkuwento 'yon si Josh.

Sinigurado kong maayos ang mga gamit bago ko 'yon iwan para kumuha ng tubig namin ni Josh. Nakasulyap lang ako sa kanila ni Stell habang kumukuha ng bottled water sa mini fridge.

Tatlong araw mula nang makabalik siya, inuna niya kaagad ang paghahabol sa mga choreography. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin napag-uusapan ang tungkol sa'min. I want to ask him kung kami pa ba? Hindi naman kami naghiwalay kaya feeling ko kami pa. Pero ang mga kilos namin para hindi na.

Sumasakit ang ulo ko sa tuwing iisipin.

Napabuga ako ng hangin. Inipon ko lahat ng lakas ng loob para lapitan si Josh. Saktong tumigil sila para magpunas ng pawis. Nabitin ang pagtawa niya at natulala sa'kin. Binuksan ko ang bottle sa harap niya bago iyon iabot sa kaniya. Ang tagal bago niya 'yon kunin sa kamay ko. Halos manginig na ang kamay ko habang nakatulala siya sa'kin.

Napalunok ako nang basain niya ang labi sabay abot ng tubig na bigay ko.

"Thank you..."

Mabilis kong binawi ang kamay nang magdikit ang mga daliri namin. Tumango lang ako sa kaniya bago tumalikod at kumaripas sa kaninang puwesto ko. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Umiling-iling si Pablo sa nang magtama ang mata namin. Malamang nakita niya ang pagpanic ko sa simpleng ganoon lang. Pati ako nadismaya sa sarili.

Naubos ang buong maghapon ko sa pagnanakaw ng tingin kay Josh. Paminsan-minsan ay nagtatama ang tingin namin, nauuna naman akong umiwas.

Naf-frustrate ako pero hindi ko alam ang gagawin. I want him to flirt with me so I can flirt with him, hindi ko magawang magfirst move. Kung pwede lang na pumatong na lang ako sa kaniya nang bigla e!

Kagaya nang palagi kong ginagawa kahit noong hindi pa siya bumabalik, nakahiga lang ako sa kama habang binabasa ang text conversation naming noong nakaraang dalawang buwan. Pati conversation namin nakasocial distancing.

I was busy scrolling up and down when a message from him popped. Muntik nang mahulog ang cellphone sa mukha ko. Napaupo ako ng wala sa oras!

Josh Banoobs:

Tulog ka na?

Halos lumabas ang puso ko sa dibdib nang pindutin ko ang message niya. Ilang ulit ko muna 'yon binasa bago nag-isip ng sasabihin sa akala mo kumplikado niyang tanong. Madali lang naman sabihing hindi pero hindi ko masabi!

Pipindutin ko pa lang ang send button ay nagmessage na siya ulit.


Josh Banoobs:

Hindi tayo uusad kung type ka lang nang type at hindi mo sinisend.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon