Chapter 12

533 21 5
                                    

Chapter 12












I'm glad, Josh listened. He never acted weird again after our comfort room interaction. Dahil ang mga sumunod na araw ay nagdaan na lang na puro samaan ng tingin ang ginawa namin.

Kapansin-pansin rin ang masyadong seryoso ni Pablo. Pati si Ken ay nadadamay na. Gladly, we have Stell Ajero, the Mr. Sunshine. Kahit paano ay umaayos ang mood.

Sumilip ako saglit mula sa backstage. Sobrang daming A'TIN ang naghihintay sa paglabas namin. Biglang namawis ang palad ko sa kaba.

Napalingon ako nang tapikin ni George ang balikat ko. "Kinakabahan ka?"

Mayabang na umiling ako. "Sisiw!"

Tinawanan niya lang ako.

Lately ay mas naging close rin ako kay George. We worked on our anniversary series. I can say na may talent talaga si George sa pagsulat.

"Balik na sa dressing room." Sumunod ako sa kay George pabalik sa dressing room.

Aligaga ang mga staff sa pag-aayos ng gagamitin. Dumako ang tingin sa kay Josh na inaayos ang buhok niya. I hold back myself from helping him. Tinuon ko ulit ang atensiyon kay George.

"Okay na ba itsura ko?" Humarap ako sa kaniya at nagpose.

Ngumisi naman siya sa'kin. "Pogi na!"

Lumampas ang tingin ko sa likod niya.  Josh eyed us. Lalo tuloy akong ginanahan na lumapit kay George.

I hate myself for thinking he's jealous. But my fucking mind can't help but to think that way. Halos patayin niya kami sa tingin.

"I like your hairstyle," baling ko kay George sabay hawi ng buhok niya sa tainga.

She stiffened for a moment. Parehong nabaling ang atensiyon namin nang may kumalabog. Nawala bigla si Josh sa paningin ko.

"S-sige, Jah. Balik na 'ko sa trabaho." Tumango lang ako kay George at naghanda para sa performance namin.

Everything went smoothly. As usual, pagkatapos namin ay tumulong kami sa mga staff sa paglilinis.

"Tulungan na kita."

Kinuha ko ang dala-dalang duffle bag ni George at sinamahan siya sa van. I took the opportunity to talk to her.

"Do you have a boyfriend?"

Bigla siyang natigilan sa tanong ko. I scratched my nape for my sudden questions. Ayaw ko na mangyari pa ulit ang nangyari sa pagitan namin ni Alliyaah. Karma is bitch. It really creates a way to get back.

"Don't worry, wala naman akong balak na manligaw." I laughed.

"Ha?" Mas lalo pa ata siyang nagulat.

Hinarap ko siya nang marealize ang sinabi ko. "Don't get me wrong, George. Mukha kang ligawin, promise!"

Nangunot ang pareho naming noo. "Hindi yung ligaw na ano..."

Pareho kaming natawa sa sinabi ko. I didn't mean to offend her. Maganda si George at talented. Kung wala akong gusto kay Josh ay hindi malayong matipuhan ko siya.

"Tapos na kayong tumawa?" Ken suddenly blurted.

Pareho kaming napalayo ni George sa isa't-isa para bigyan ng espasyo si Ken na ilagay ang isang box sa compartment.

"Marami pa sa loob," baling niya kay George.

Ngumisi lang sa'kin si George bago ako iwan kay Ken. Inakbayan ko siya nang makita ko si Josh sa kalayuan.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon