Chapter 9

541 25 18
                                    

Chapter 9









Josh didn't utter anything. Tulala siyang umalis at iniwan ako sa dalampasigan. I stayed there for a moment. Tinuyo ng malamig na hangin ang mga luha ko.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ay bumalik ako sa room namin. Kuya is sleeping soundly. Bumaling ako sa kama ni Josh. He's not here. Hindi ko alam kung nasaan siya. I get my phone and texted him.

Ako:

Huwag kang uminom, may flight tayo bukas.

As expected, he didn't reply. Ano naman kasi ang irereply niya. Binalewala ko na 'yon at lumapit sa mga gamit niya. I fixed his things to his luggage. Hating gabi na nang matapos ako pero wala pa rin si Josh. I even checked my phone if he replied. Pero wala talaga.

Umupo ako sa kama. Kaunti na lang ay pagsisihan ko na sinabi ko sa kaniya. He wasn't ready for it. At kahit kailan hindi siya magiging handa para do'n.

"Hindi ka pa natutulog?" Napalingon ako kay Kuya na nakaupo na sa kama niya.

He scratched his eyes.

Ngumisi ako nang pilit at umiling dahil wala akong boses para magsalita. He just looked at me and didn't say a thing. Umiwas ako ng tingin.

Para akong nasa ilalim ng tubig at nalulunod. Sobrang bigat ng nakadagan at hirap na hirap na huminga. Kaunting-kaunti na lang alam kong sasabog na ko. Sinikap kong tatagan ang sarili habang nakamasid siya sa'kin. Inayos ko ang kumot at nagkunwaring naghahanda na matulog.

I can't burst right in front of him. Hindi ko alam ang sasabihin at idadahilan kung bakit. Hindi ko kayang magpaliwanag. Gusto kong mapag-isa at sumabog na lang, sumigaw at umiyak dahil ang bigat-bigat na.

"Okay ka lang?" His soft voice lingered to my ears.

Parang naging gatilyo 'yon at nag-umpisang bumagsak ang mga luha ko.

"Bunso..." He called me out.

Parang bata na tumayo ako sa kama at sumiksik sa kaniya habang umaatungal ng iyak. Wala siyang sinabi o tinanong sa'kin. He just hugged me and tucked me in his chest.

"Takot na takot ako, Kuya." I cried.

Umiyak ako sa dibdib ni Kuya hanggang sa makatulog. Paggising ko ay katabi ko pa rin si Kuya. He acted like nothing happened. Nakikipag-unahan pa sa banyo.

Napangiti ako sa likod niyang papunta sa banyo.

Nakahinga ako nang maluwag kahit paano. Ang sarap ilabas lahat ng sakit at bigat nang walang pagpapaliwanag pagkatapos. I owe Kuya an explanation yet he never asked and begged for it. Kapag kaya na ako pa mismo ang makukuwento.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko alam kung paano itatago ang mga namumugtong mata. Hinalungkat ko ang sariling maleta para tignan kong may concealer o kung ano man bukod sa sunglasses.

Napabaling ako kay Kuya na nakabihis na. "Gisingin ko lang si Geca. Baka maiwan ng eroplano."

Tinanguan ko siya at nagpatuloy sa paghuhukay sa gamit ko nang kumalabog ulit ang pintuan. Josh flawlessly walked toward his bed. Napapanic na sinuot ko ang sunglass para itago ang dapat itago.

Nangunot ang tingin niya sa ginawa ko. Masama niyng tinignan ang sunglass na suot ko. Nahihiyang umiwas ako ng tingin.

Sinong tanga ang magsusuot ng sunglass sa loob ng kuwarto kahit nakapajama pa na pantulog.

Silence filled the air. Kulang na lang ay ang tunog ng mga kuliglig. Hinakot ko ang mga gamit ko at inayos ko pabalik.

I guess I have to wear this glasses.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon