Chapter 24

695 33 17
                                    

Chapter 24









Mataimtim akong nakatulala sa harap ng pinto ng kuwarto ko habang iniisip ang mga nangyari kagabi.

My face heated.

Hinawakan niya ko ro'n. I came to his hands. Ngayon lang nagsi-sink-in sa'kin ang lahat. Bahagya akong nakaramdam ng hiya. I begged for his hands last night. At sisingilin niya raw ako. Kailan naman kaya 'yon? Magpapractice na ba 'ko? Natawa ako sa sariling isip bago pagalitan ang sarili. Ang aga-aga iyon agad ang nasa isip ko.

Paggising ko ngayong umaga ay wala na siya sa tabi ko. Siguradong nagluluto siya dahil sa masarap na amoy na nanggagaling sa kusina. Kumalam ang sikmura ko. I was about to open the door when it opened.

"Aray!" Reklamo ko nang tinamaan ang noo at ilong ko.

Josh immediately rushed to check me. Hinawi niya ang palad ko sa mukha para tignan ang ilong at noo ko.

"Bakit kasi nakatayo ka lang riyan?" Pangaral niya sa'kin bago malambing na hinalikan ang mukha ko.

Pinigilan kong ngumiti. Iniwas ko ang mukha ko nang hindi ko na mapigilan. We both chuckled. Tinulak ko siya bago unahan na lumabas sa kuwarto.

"Banoobs!" Sabi ko.

"Ano?" Nanghahamon na tanong niya.

I turned to face him. Bumaba ang mata ko sa suot niya. His wearing my blue fitted sando, perfectly hugging his toned body. Halos maglaway ako sa hitsura niya pero hindi ko aaminin 'yon sa kaniya. I held my chin up at inangasan siya.

His brows twitched. Kumibot ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti. Binunggo ko ang katawan sa kaniya na animo naghahamon ng away.

"Aba gusto mo ata ng digmaan ah!" Maangas na sabi niya at ibinunggo ang sarili sa'kin.

"Dickmaan, Daddy." I corrected him.

His lips protruded. Humalakhak ako nang bigla niya akong tinulak. My laughs vanished when his two hands pulled me back bumping into his chest. Still stunned, a smile crept into my lips.

His hands fell on my waist as I lift both of my hands to cupped his face. I caress his cheeks with both of my thumbs, just adoring his eyes. Ilang ulit akong napalunok. Pinakatitigan ko ang mukha niya, searching for something or a sign, maybe. Josh licked his lips. It was my cue. Yumukod ako para halikan siya nang bigla siyang yumuko at bumahing.

"Sorry. Sorry," sabi niya bago suminghot.

My brows furrowed. Inobserbahan ko lang siya habang pinupunasan niya ang luha sa gilid ng mata dahil sa pagbahing.

Dinampi ko ang palad sa noo niya. His temperature is normal but knowing him, parehas lang kami, mabilis kapitan ng sakit.

"Your paracetamol didn't work," sabi ko at dumiretsyo sa island counter para gumawa ng sabaw.

Kinuha ko ang sibuyas at nagsimulang maghiwa. He quickly get his way to me and tried to snatch the knife. Hindi ko siya hinayaan.

"Ako na riyan. Baka mabinat ka," ma-awtoridad na sabi niya.

"Stop!" Suway ko lang sa kaniya at pinagpatuloy ang ginagawa.

He took care of me yesterday, ako naman ngayon. Ako naman ang nakahawa sa kaniya at boyfriend ko siya, responsibilidad ko 'to at gusto ko rin naman na alagaan siya.

"Baby," malambing na aniya.

Nag-angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. His eyes were bit teary and he already has runny nose. Dahil siguro sa sunod-sunod na pagbahing.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon