Chapter 10

607 24 28
                                    

Chapter 10








Almost a week passed smoothly at work and between me and Josh. Doon ka narealize na kapag masaya ka ay parang inililipad ka lang ng oras. Naroon pa rin kami sa linya. We didn't dare to cross. No one has the courage.

Sa nagdaan na araw ay masasabi kong okay kaming dalawa ni Josh. Parang may kasunduan sa pagitan naming dalawa na kahit hindi pinag-usapan ay alam naming pareho. We remained unlabeled yet more than friends I can say. May mga barikada at mga limitasyon na hindi talaga basta-basta kayang gibain at lampasan.

Tinignan ko ang mahabang pila ng sasakyan sa harapan ko. Sobrang ingay ng mga busina sa paligid. Anong oras pa lang, traffic na kaagad. Dapat talaga ay sa studio na rin ako natulog, e.

My phone rang. Parang tanga na ngumsi ako at sinagot ang tawag.

"Bakit? Miss mo na 'ko?" Bungad ko sa kay Josh.

"Pinagsasabi mo? Anong miss ka jan?" Nanlaki ang mata ko nang si Pablo ang sumagot.

"A-akala ko si Josh, aasarin ko sana." Pagdadahilan ko. Bakit kasi hindi cellphone niya ang ginamit niya?

"Asar na kaming lahat sa'yo. Nasaan ka bang lupalop?" Mataas ang tonong tanong niya.

Nakahinga ako nang hindi na niya pinansin ang una kong sinabi. "Sorry. Sobrang traffic sa Pilipinas."

"Nasaan na daw siya?" Dinig kong tanong ni Josh sa background.

"Naipit sa traffic," dinig kong sagot ni Pablo. "Bilisan mo na, Justin. Marami pang trabaho."

"Opo." Sagot ko.

My body straightened when Josh asked for his phone. Mariin kong kinagat ang labi sa antisipasyon. Malalim na paghinga niya ang unang bumungad sa'kin.

"Dahan-dahan sa pagmamaneho." Sabi niyang sa mababang tono.

Hindi ko mapigilang hindi ngumisi. "Walang kiss? Mwuah ganon?" Pang-aasar ko sa kaniya.

Dinig ko ang papahinang ingay sa background niya hanggang sa tuluyang tumahimik. Ang tagal niyang hindi nagsasalita. Kung hindi ko pa narinig ang mababang paghinga niya ay iisipin kong binabaan niya na ako ng tawag.

"I don't kiss on calls." He said in his fine accent. Nabura ang ngisi ko. "Bilisan mo jan kung gusto mo ng halik ko."

Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. I was so stunned to speak. Hanggang sa binaba niya na ang tawag.

Nagkakarera ang puso ko sa tuwing paulit-ulit na naririnig ko sa utak ang boses niya. Humanda ka talaga sa'kin, Josh. Masyado mo na 'kong binabaliw.

Halos takbuhin ko ang daan mula sa kotse hanggang sa elevator ng basement. I want to see Josh's face right away. Ang lakas ng loob niyang sabihin 'yon sa'kin. Akala niya siguro ay hindi ko seseryosohin. Kung hindi niya gagawin, ako mismo ang gagawa.

I shivered at my own thoughts.

Naputol lang ang makamundo kong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. It was George, our P.A.

"Nasaan ka na?" She asked.

"Nasa parking lot," sabi ko sabay pagbukas ng elevator at iniluwa siya.

Pinatay ko ang tawag at sumakay kasama niya. Buong isip ko ay nasa kay Josh pa rin nang biglang umuga at namatay ang ilaw sa loob ng elevator.

Bigla akong kinabahan.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Kalalaki kong tao tapos magpapanic ako sa ganitong sitwasyon na may kasamang babae.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon