Chapter 7

496 23 26
                                    

Chapter 7








Mabilis ko rin pinagsisihan ang ginawa ko. Alliyaah doesn't deserve that. Umupo ako sa kama at ginulo amg buhok. Bumaling ako sa katabi kong kama. Anong oras na wala pa rin si Josh.

"Matulog ka na, Bujing! Ang likot-likot mo," si Kuya na naalimpungatan na naman.

Paano ako makakatulog. I don't know where the hell is Josh. Pagkatapos ng makasalanang halik na 'yon, Josh is nowhere to be found. Ni hindi ko man lang alam kung saang gawi siya tumakbo. Isa pa si Alliyaah, paano ko sasabihing wala lang 'yon? Paano ko sasabihing si Josh ang nasa isip ko nang mga oras na 'yon.

Kaunti na lang at mababaliw na talaga 'ko. What are you doing to me, Josh?

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig. Kinalkal ko ang mini ref sa room namin. I got myself a can of beer. Mas kailangan ko nito kaysa tubig.

Sumalampak ako sa sofa at in-on ang T.V. I scan for programs. Tumigil lang ako sa V channel at nanonood ng mga k-pop music videos. Lumagok ako sa beer at sinandal ang katawan sa sofa.

San ba kasi siya nagsuot?

Heto na naman ako sa mga naiisip ko. Parang tanga na ngumisi ako. Hindi ako proud sa ginawa ko pero ang isipin na nagseselos talaga si Josh ay nakakapagpabaliw lalo sa'kin. He ran away after he saw us kissing. Kung ibang pagkakataon 'to malamang ay kanina niya pa ako tinutukso at inaalaska rito. But he is nowhere to be found.

Could it be? Nagseselos ka nga ba, Josh?

Hindi ko talaga matiis! Pinatay ko ang T.V at lumabas ng room namin. Dumiretsyo ulit ako sa pool dala ang beer ko. Inilubog ko ang paa sa tubig habang umiinom. Nakatanaw ako sa entrada nagbabakasali na pabalik na si Josh. Pero naubos ko na ang beer at wala pa rin. Nag-aalala na 'ko.

Bumalik ako sa room sa pag-aakalang kagaya kagabi ay naroon na ulit siya. Pagpasok ko ay saktong paglabas ni Kuya sa kuwarto na pupungas-pungas pa.

"Sa'n ka galing? Kanina pa tunog ng tunog cellphone mo," sabi niya at dumiretsyo sa banyo.

Mabilis akong punasok sa kuwarto at tinignan ang cellphone. 7 missed calls from Josh! Damn! Dapat ay hindi ko iniwan ang cellphone!

I tried dialing his number. It took couple of rings before he answered.

"Nasaan ka?" Bungad ko.

Kumunot ang noo sa kakaibang mga tunog sa kabilang linya.

"W-what the hell are you doing, Josh?" Paulit kong tanong.

"Easy, babe," he whispered.

Pumailanlang ang halinghing at pagpoprotesta sa tainga ko. Hindi ako tanga para hindi maisip kung ano ang ginagawa nila.

"Jah..." He drunkily called out my name.

"Nasaan ka?" Matigas kong tanong.

"Sa tabi-tabi lang," he laughed.

Umigting ang bagang ko. "Where the hell are you?"

Kuya entered our bedroom. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Sunduin ko lang si Josh." Sabi ko sa kaniya at lumabas sa kuwarto namin.

Josh didn't even bother to answer. Napapikit ako sa mga halinghing na naririnig ko sa kabilang linya. Pinatay ko ang tawag. Lasing siya, he's probably in the bar.

Hindi ko magawang ngumiti sa ilang nakakasalubong. Wala akong ibang maisip papunta sa beach bar kung hindi ang gulo na puwedeng mangyari pagkatapos nito. Josh is creating something might destruct our career!

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon