Chapter 6

530 24 15
                                    

Chapter 6




Pakiramdam ko alam na niya. Sana iniwasan niya na lang ako. At least, that is what I am expecting him to do. Kaysa itulak ako sa iba, sana umiwas na lang siya o hindi kaya ay isinampal na lang mismo sa mukha ko na hindi talaga puwede at higit sa lahat ay wala siyang ni katiting na nararamdaman para sa'kin. I don't want to drag anyone in this mess. Ako na lang sana. Sana umiwas na lang siya.

Maaga akong nagising. Early bird catches the worm. Pero kahit gaano pa ako kaaga, I won't ever be able to catch Josh.

Josh is still sleeping soundly when I left our room. Sa totoo lang ay wala akong ideya kung ano ang dapat kong gawin bukod sa umiwas na lang kay Josh.

Inilubog ko ang mga binti sa pool. Sapat lang ang lamig no'n para gisingin ang diwa ko.

"What's going on in that pretty mind?"

Napalingon ako kay Pablo na lumulusong na sa pool. Nilibot ko ang tingin. Himala at hindi niya kasama si Stell.

"Iniisip ko lang kung ano ang nauna, orange na kulay o prutas." Matulis ang ngusong sabi ko.

Humalakhak ako nang tumama sa'kin ang malamig na tubig.

"Siraulo ka talaga, manang-mana ka kay Alberto!" Sigaw niya bago umilalim sa tubig.

Napangisi ako sa tawag niya kay Josh. He swam his way to my side. Umahon siya at umupo sa tabi ko. Enough space para hindi niya ako mabasa nang tumulong tubig sa katawan niya. Though he already sprinkled me with water awhile ago.

"How are you and Alliyaah?" Bigla niyang tanong.

Nangunot ang noo ko. Pati ba naman si Pablo?

"I'm okay. Ewan ko lang si Alliyaah," sabi ko at lumusong sa tubig para umiwas.

"Huwag mo akong i-showbiz! What's the real score?" Hinabol niya ako sa kabilang dulo ng pool.

"Ano ba rubric ng scoring?" Ngisi kong tanong at hindi pa rin humaharap sa kaniya.

Hinampas niya ang tubig at tumalsik 'yon sa mukha ko. "Parang gago, ayaw sumeryoso."

Tumikwas ang kilay niya at nanlalaki ang mga mata. Ayan na, Ate Chona is in the house!

"There is no such thing between me and Alliyaah. Saan niyo ba nahuhuta ang mga ideyang 'yan ha?" I clarified.

Binigyan niya ako ng tingin na parang hindi siya naniniwala.

"Ayaw pang umamin! Halos patayin mo na si Josh ng tingin sa tuwing madidikit sila ni Alliyaah, e!"

Napatingin ako sa gawi niya.

Hindi naman si Josh ang gusto kong patayin sa tuwing magdidikit sila ni Alliyaah. I'm glad he got the wrong idea.

Ngumisi ako. "Ang landi kasi ni Alberto!"

I'm sorry, Alliyaah. Mukhang kailangan kita para mailayo sila sa ideyang kinakatakutan kong malaman ng lahat.

"Kaya nga sabi ko sa kaniya, he should pull some tricks to get your balls!"

Hinabol ko siya nang tingin habang lumalangoy sa kabilang dulo ng pool. Realization struck me. Sinabi niya ba kay Josh na gusto ko si Alliyaah?

Hinabol ko siya sa kabilang dulo para sagutin ang tanong sa utak ko.

"Anong ibig mong sabihin?" I asked him.

He wag his hair. "Tulungan ka niya 'kako na manligaw. Seems like you need a little push."

That's explains why he is pushing me to Alliyaah. Hindi dahil alam na niya na gusto ko siya. It relieves me somehow. Hindi pa rin niya alam. Mabuti nang wala siyang alam.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon