Chapter 37

841 27 15
                                    

Chapter 37

Warning Spg













Nagkamali ako roon. Masyado kong minaliit si Aeris. He threw a bait to lure us and to hide his real agenda.

Pagkatapos ng gulo sa lobby ng Highlands Hotel, parang kidlat na kumalat ang videos ng pag-aaway namin. Sir Charles was so quick to action. It was his son and his talent after all. Our videos in the internet were already taken down. Lahat ng staffs ng Highlands pinatahimik.

Hindi ako kasama sa mga pinarusahan, nakadagdag lang 'yon sa konsensiya ko. Aeris took all the blame. Sir Charles sent him back to Korea...with Euna.

Huli na nang marealize ko. Ginamit ako ni Aeris para ilayo rito si Euna. Ano nga bang pakielam niya kasi sa relasyon namin ni Josh. Kung nag-isip lang sana ako ay hindi mangyayari 'to.

Pablo doesn't seem to care. Pero kahina-hinala na ang pagiging tahimik niya. I am rotting in pain and guilt. This is my punishment I guess. Sinisisi ko ang sarili ko. Ang tanga ko para mahulog sa patibong ni Aeris.

And Josh, we haven't talked for days already. Alam kong plano lahat 'to ni Aeris at naging kasangkapan lang kami pareho. Pero nasaktan ako at alam niya 'yon. I am still waiting for him to come or at least call me to explain himself. Hindi 'yung hinahayaan niya ako mag-overthink at isipin ang kulang sa'kin.

Biglang nagising ang diwa ko. Malalim na sana ang tulog ko kung hindi ako nakarinig nang parang pitik ng light switch. Bumilis ang pintig ng puso ko. Naalala ko yung nangyari sa hotel sa isang event namin noon. When I heard a screech of a chair. Ang kaibahan lang ngayon, walang Josh na puwede kong tabihan para mawala ang takot ko.

Lumunok ako bago umayos ng upo. Lalo lang akong dumagundong ang takot ko. Doble pa sa kanina. Kita ko ang pagsilip ng ilaw mula sa espasyo sa pagitan ng pinto at sahig. Bukas ang ilaw ng living room.

Damn! Hindi ako naniniwala sa multo, pero naniniwala ako sa mga akyat bahay.

Pinagpapawisan ako nang malamig habang dahang-dahan na umaalis sa kama para humanap ng bagay na puwede kong gamitin para ipagtanggol ang sarili. Hindi ko maialis ang tingin sa pinto ko habang nangangapa sa paligid. Sa madilim na sulok ng kuwarto ko ay may nahanap akong hanger. A damn hanger! Pwede na ito kaysa wala.

Halos manginig ang tuhod ko nang isang bulto ang humarang sa liwanag na sumisilip sa pinto. Wala akong ibang marinig at maramdaman kung hindi ang malakas na pintig ng puso ko at pagtulo ng malamig na pawis sa noo ko. The doorknob moved. Itinaas ko ang hanger at naghanda nang dumepensa.

Nang bumukas ang pintuan, hindi na ako nagdalawang-isip na hampasin ang magnanakaw nang walang tigil.

"Aray! Tangina!" Reklamo ni Josh—si Josh! Si Josh lang pala!

Bahagya akong natigilan. Nangilid ang luha sa mata ko. Sobra ang takot ko kanina, ngayon ay halo-halo na.

Lukot ang mukha niya habang hinahaplos ang bahagi ng katawan na tinamaan ng hanger. Nakatayo lang ako sa harap niya habang pinipigilan ang luha ko. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang masulyapan ako.

"Baby—”

Hindi ko siya pinatapos at hinampas ulit ng hanger nang paulit-ulit.

"Talagang ngayon ka lang nagpakita! You didn't even call me! And you have the audacity to call me baby!" Hindi ko na napigil na maiyak sa galit.

I continue hitting him with my hanger, hindi man lang siya pumalag.

"Tangina mo, Josh. You making me doubt and I hate that goddman feeling," sabi ko sa pagitan ng mahinang hikbi.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon