Chapter 16

509 26 8
                                    

Chapter 16













Hindi ko siya tinapunan ng tingin at diretsyong lumabas na sa conference room. Halos ugatan ako sa puwesto nang pagbukas ko ay tumambad sa mukha ko si Josh.

"Ingat sa pagmamaneho." Sabay lagpas sa'kin.

Halos lamigin ako sa lamig ng pagkakasabi niya. Bigla akong nabahala sa mga pinagsasabi ko. Agad king kinuha ang cellphone at nagtype ro'n.




To Josh:

Uuwi rin ako agad pagkahatid ko kay George. Ingat din sa pag-uwi.





Buong biyahe pauwi sa apartment ni George ay halos bombahin na ni Ken ng cellphone niya. She keeps on declining his calls pero hindi naman pinapatay ang cellphone. Alam ko naman na pagbaba niya ng kotse ko, marupok na naman siya at siguradong sasagutin ang mga tawag ng ugok na 'yon. Nahiya pa sa'kin.

Pag-uwi ko sa condo ay tinignan ko agad ang cellphone. Walang repky si Josh. Bakit ba hindi pa ako sanay. Gusto kong kutusan ang sarili. I hate clinginess yet I am so clingy to Josh. Natulog na naman ako nang my sama ng loob.

I am looking forward for a calm day next morning to court Josh. Taliwas sa  plano ko ngayong araw, halos bombahin ang cellphone ko ng samut-saring notifications sa social media at mga phone calls.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Tatang Robin at tumayo sa kama.

"Thank God you answered!" Bungad niya sa'kin.

"Anong meron?" Nalilitong tanong ko habang binubuksan ang laptop.

"Don't open your social media accounts." Napahinto ako sa pagbukas sana ng twitter. "And report immediately to Sir Charles."

Biglang kumabog ang dibdib ko.

"W-What is exactly happening?" Kinakabahan na tanong ko.

Hindi namn siguro ganoon kadaldal si Cark at RJ. Men don't spread news unless they are gay. May nakahalata ba sa'min ni Josh?

"Issue." Si Tatang bago putulin ang linya.

Halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit kailangan ko na magreport agad-agad kay Sir Charles. Siguradong sobrang bigat no'n para ipatawag ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang halos masira ang pinto ko sa lakas ng katok. Bumungad sa'kin ang galit na si Pablo kasama si Stell.

"Bilisan mo. May mga paparazzi na sa baba." Si Pablo na diretsyong pumasok at sumalampak sa sofa.

"Ano bang nangyayari?" Kinakabahan na tanong ko at isinuot ang itim hoodie.

"May issue kayo ni..."

Muffled voice of Stell enveloped my ears as I wear my hoodie. Abot-abot ang tahip ng puso ko.

"What? May issue kami ni Josh?" Paglilinaw ko.

Halos lumabas na ang puso ko nang blanko na tumingin si Pablo sa'kin.

"Baliw! Bakit naman kayo magkaka-issue ni Josh? Nag-away na naman kayo?" Takang tanong ni Stell.

Imbis na mapakapante ay lalo lang tinambol ang puso ko. Hindi na maalis ang tingin ko sa kay Pablo na nasa akin din ang mata. Namamawis ang palad at talampakan ko sa kaba dahil sa mapanuring tingin niya na 'yon.

"Photos of you and George leaked online." Nakahalukipkip na sabi niya.

Ilang ulit akong napalunok bago kinuha ng cellphone.

"Si George," sabi ko bago i-dial ang number niya.

"No need. Nasa opisina na siya." Si Pablo kaya ibinaba ko ang phone. "Sinundo ni Ken." Dagdag niya pa.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon