Chapter 27

557 28 11
                                    

Chapter 27











I never heard silence quite this loud. Kanina pa lang sa stage ay ramdam ko na ang inis ni Pablo, Josh at Ken. Stell and I are mad too pero hindi namin sasabayan ang init ng ulo ng tatlo. Idagdag pa ang matinding pagod at puyat, the three looks like a ticking bomb.

I walked with Stell heading towards our dressing room. Lahat ng madaanan ng grupo namin ay natatahimik. Pagkasara na pagkasara na pinto ng dressing room ay kumalabog na ang upuan sa tapat ni Pablo.

Napaigtad ako sa ginawa niya. Kaagad na nilapitan siya ni Stell at inakay sa sulok. Ken on the other hand calmly settled on a seat. Malamang ay wala ng energy para magalit.

Ilang oras lang ang naging tulog namin. Pagkabangon na pagkabangon ay nagmeeting at nagconceptualize nang mabilis. We rehearse to recall some of our choreography. Ilang oras ay nagprepare na para sa actual performance tapos ganito ang mangyayari.

I felt disappointed and angry at the same time pero huli na para isipin pa 'yon. Josh started nagging our staffs. Ganito siya kapag galit. He tried his best to be a brother and a leader while we're on that damned stage. Kahit siya pa mismo ay galit na galit na.

"Wala man lang nanghingi ng maayos mic?!" He burst out.

Nakayuko lang ang mga staff sa loob ng dressing room. Ang iba ay lumabas na.

"Magkano ang ticket? Tapos gano'n lang?! Hindi nila nasulit ang bayad dahil sa tangina—”

"Josh." I cut him off in my warning tone.

Kaagad naman siyang nagising sa tawag ko. Mariin niyang pinagdikit ang labi bago pumikit at tumingala.

Bumaling ako sa mga staff.

"Sorry, Jay. Kilala niyo naman si Josh. Lumabas na muna kayo."

Nagsitanguan sila bago nakapila na lumabas sa dressing room. Kinuha ko ang pagkakataon para lapitan si Josh.

Matapang na kinuha ko ang kamay niyang nakatukod sa sariling beywang bago siya hatakin palapit sa'kin.  I swiftly wrapped my hands around him and caress his back to comfort him. Josh was too stunned to move or even speak. Nagkakarera ang puso ko habang mataman na pinagmamasadan ni Pablo.

His cat-like eyes formed into slits. Silang lahat ay nakatingin sa'min dalawa. I don't know what questions running inside their heads. Ang alam ko lang, I should do this. I should calm Josh down. I should comfort my boyfriend.

Handa nang sumugal si Josh. Gusto ko rin subukan. Kahit pa paunti-unti. Kahit sa mga taong pinagkakatiwalaan ko lang muna.

Pau is one of the best person I know. He'll understand in time. Naniniwala ako.

People may hate and disgust us but our love matters the most. Kung kaya niyang bitawan at lumaban para sa'kin, kaya ko ring maging matapang para sa kaniya.

"It's okay, babe. You did great. I'm proud of you." I whispered enough for him to hear.

Hindi ko alam kung narinig o kung naintindihan nila ang sinabi ko. Josh just standing stiff in front of me. Bumitaw ako sa kaniya. Amusement is dancing in his eyes.

I insisted to keep us a secret pero heto ako ngayon na halos isigaw sa lahat na may relasyon kami. Kahit ako nag-iisip rin kung saan nanggagaling ang tapang ko.

Napaatras ako nang humarang sa pagitan namin si Ken at mabilis na niyakap si Josh. Josh didn't seem to bother. Nanatili pa rin ang namamngha niyang mata sa'kin.

"Kalma ka na, dre," madramang sabi niya habang tinatapik-tapik ang likod ni Josh.

My brows twitched.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon