Kabanata 1
Maybe
For some reason I always prefer to stay in our hose than to hang out with other people outside. Hindi ako katulad ng mga half sister at half brother ko na mahilig sa mga parties at kung ano ano pa. Hindi ko naman tipo ang mga ganun at isa pa wala rin ako parati sa mood para makipagplastikan sa ibang tao.
Busy ako sa pagbabasa ng libro ng may nahagip na mga pagtatalo ang aking tenga mula sa labas ng aking kwarto.
"Anong sinasabi mong ninakawan tayo ni Layla!? At sino naman yang Layla na iyan!? Tell me, Delfin, may relasyon ba kayo ng Layla na iyan, ha!?"tita Rowena burst out.
Hindi ko maintindihan kung bakit araw araw na lang eh nagaaway si Tita at si papa sa mga walang kwentang bagay bagay. Tita Rowena is a very jealous wife ever at pakiramdam ko hindi lang naman si Papa ang may tinatagong baho sa pamilyang ito. Pati na rin si Tita alam kong hindi siya makuntento sa isang lalaki. When she was just seventeen like me she always hang out with other boys at playgirl din raw si Tita noong kabataan siya.
Well, maybe we are just opposite. Hindi ako ang katulad niya na gustong mag party gabi gabi at hindi ako ganun ka desperada para lang ibenta ang katawan ko para lang sa katiting na pero.
Hindi ko naman masisisi si Tita Rowena kung nagawa niya yun sa hirap ba naman ng buhay nila noon? Ang hindi ko lang matanggap eh iniwan ni Papa si Mama para lang panindigan si Tita Rowena na kabit naman ni papa? He leave my mama broken and lost at nung nalaman niyang buntis si Mama ay sinisi pa niya ito na nagpagamit sa ibang lalaki.
I can't be angry with papa after all kung hindi dahil sa kaniya wala ako dito sa mundo pero diba sana kahit man lang closure sa pagitan nila ni mama wala. Before mama died she whised that maybe someday papa will say sorry to her for everything he have done pero walang ni isang kataga mula sa mga labi ni papa ang lumabas.
Tinitigan niya lamang si mama hanggang sa mamatay ito.
"Goodness, Rowena!"naghihisteryang sigaw ni papa.
"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko diba, Delfin? That woman named Layla is your mistress! Aminin mo na!"sigaw pabalik ni Tita Rowena at bakas sa kaniyang boses ang takot.
Takot dahil baka mawala sa kaniya si papa o ang kayaman namin? Kung hindi dahil sa ama ko siguro hanggang ngayon mahirap parin si Tita Rowena.
"Don't you dare call her mistress!"sumabog sa galit ang boses ni papa at narinig ko ang pagkabasag ng isang baso."She is my secretary, Rowena! You know what, sawang sawa na akong marinig ang mga sermon mo! Sobrang selosa mo! Why don't you let me handle my own issues, huh!? I am sick of you, Rowena!"dinig na dinig ko ang pag-kakairita sa boses ni papa.
Everyone has a secret that we are hiding pero kapag si Tita Rowena na ang nakaamoy wala kang takas.
She's like a agent. Way back in my elementary days may nagustuhan akong lalaki, of course, lahat naman siguro tayo dumadaan sa proseso ng pagkakaroon ng crush. And, then one day gumawa ako ng sulat. Oo, inaamin ko, masaya ko ng tinanggap ng crush ko ang sinulat kong letter sa kaniya ngunit pagdating ko ng bahay na nakangiti ay sinalubong agad ako ng mga matatalim na titig ni Tita Rowena.
Nanginig ako nang mapagmasdan ang kaniyang mga titig sa akin. Sa totoo lang kung ako lang ang magsasabi wala naman dapat akong ikatakot sa kaniya dahil una alam ko namang naninirahan lang sila sa bahay namin at wala naman siyang karapatan sa akin dahil hindi niya ako anak.
"Why are smiling from ear to ear, Alina Siren?"buo at malinaw ang pagkakasabi ni Tita Rowena ng mga katagang iyon.
I bit my lower lip.
BINABASA MO ANG
Baka Balang Araw
General FictionPosted: February 17, 2022 - Status: On-going Ilang beses mo na bang natanong ang sarili mo kung hanggang saan mo kayang lumaban? Na baka balang araw kayo rin ang magkakatuluyan? Na baka balang araw mapansin niya rin ang pag-ibig mo? Ilang beses mo n...