Kabanata 16

2 2 0
                                    

Kabanata 16

Goodnight

"What..."I can't even compose a single word when he grabbed my waist.

He exhaled on my neck.

"Stop it already, hun, please."He uttered which made me frown what did he ment by that?

His touch was tingling my whole body and sent millions of bolts of electricity in my body. Ano ba itong nadadama ko para sa'yo, Sagala?

"You know what, if you want to play please 'wag ako ang paglaruan mo, Alev, I'm tired of playing, okay? So, let me go."nagpumiglas ako sa kaniyang mga hawak sa akin pero tila parang bakal ang kanyang mga braso na nakayapos sa aking baywang at parang walang planong ako'y bitiwan.

Mas lalo ko pang nilakasan ang aking pagpiglas sa kaniya ngunit tila wala paring nangyayari. Nakatayo lang siya, nakayapos sa aking baywang, nakatitig sa aking mukha, at para bang wala lamang sa kaniya ang ginagawa ko.

He's too strong to defeat.

My body shivered when I stopped for a moment and stare at his eyes. Those eyes that could hypnotized everyone. Bago ko pa maibaling ang titig ko sa ibang bagay sa paligid ay nadikit na roon ang aking atensyon. Atensyon na hindi ko dapat binibigay sa kaniya.

This feeling is so delightful, electrifying, and hypnotizing.

Pumungay ang kaniyang mga mata at bumaba ang titig sa aking mga labi.

"I won't let you go even though someday we'll gonna take another road. Even though the stars won't collide for us. Even though the clouds boom in thunder. 'Cuz you know, I'm insanely crazy when I'm with you and I like this feeling. You totally change me the way I see everything in general."pabulong niyang wika na para bang ako lamang ang maaring makarinig ng mga yaon.

Wala akong masabi. I was tongue-tied this time, have nothing to say about him. Ngayon ko lang naramdaman yung feeling na walang masabi, my mind was clouded. Feeling ko nalunok ko ang sariling dila. Ano pa ba ang dapat kong sabihin sa kaniya?

Imbis na bigyan pa yaon ng pansin ay ako na mismo ang nag-aya sa kaniya na pumasok sa loob ng kaniyang kotse. Wala akong masabi kaya imbis na kung saan pa mapadpad ang topic namin ay ako na ang sumuko.

Ayokong magsabi ng masasamang salita sa kaniya. As long as I know how to handle this, this feeling I can't even explain, I'll shut my mouth. Ayokong makasakit, at ayokong I-reject ang nararamdaman niya, kung meron man ba talaga.

He drove the car, silently, parang pati bulong ng lamok ay maririnig mo na sa tindi ng katahimikang bumalot sa amin sa loob ng kotse. Marami kaming nadadaan na taniman at tumatama na sa balat ko ang sinag ng araw. It's very pleasant day, seeing the very green fields, the hills you seen far away, and the birds ready to flight.

I sighed.

Masaya ang pamumuhay dito sa probinsya pero alam ko, isang araw, lilisanin ko ito at mamumuhay sa siyudad. Lilisanin ko ang rancho, ang Nuevo, and sariwang hangin, at ang mababait na tao. My lolo was planning on getting me out of here.

Kukunin ako ng mga Mendoza at titira na raw ako sa kanila sa Maynila. Ayaw ko pero para kay lolo at kay Papa para maging masaya na siya ay lilisanin ko ang lugar na ito. Lilisanin ko ang Nuevo.

Lahat na kasi ng mga pinsan ko ay nasa politika na at ayaw ni lolo na matunton ako ng mga kalaban nila dito sa Nuevo. Hangga't maari daw ay makapunta na ako ng Maynila bago pa ako makita ng mga kalaban nila sa politika.

Well, I hate being part of a family of politics. Nakakasakal. You know, you're always sorrounded by guards, paparazzi, and crowded people. I just want to be a mere citizen but it's the truth. Pamilya ako ng kilalang politiko at ano pa ba ang magagawa ko? Nothing, but to be more careful everytime.

Baka Balang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon