Kabanata 4
Kiss
Kaunti na lamang ang mga tao sa loob ng classroom at abala naman ako sa pagliligpit ng aking mga gamit bago kami magkita ni Jameson sa bukana ng gym kung saan gaganapin ang mini concert ng Fortitude Band. Habang nagliligpit ako ng aking mga gamit ay may baritanong boses ang nagsalita malapit sa pinto ng kwarto namin.
Hindi ko na iyon pinansin dahil tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe mula sa hindi naka registered na numero.
Unknown number:
Susundin na lang kita diyan sa room ninyo, Ali. Maraming tao kasi ang andito baka mapano ang maganda mong mukha. By the way, save this number. It's Jameson 'the guwapo' Cojuangco.
Nagtipa naman ako ng sagot.
Ako:
Okay sige.
Ibinulsa ko naman ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pagliligpit ng aking gamit. Masasabi ko rin sa sarili ko na kahit ganun ay medyo mabuti naman ang nagiging pakikitungo ni Jameson sa akin at inaamin ko rin na guwapo nga talaga siya kahit na minsan ay nasasabihan at nagkukunwaring bakla pero siguro nagbago na siya hindi katulad noong elementary.
Karamihan kasi sa mga kalalakihan dito sa campus ay binu-bully ako minsan naman ay pinagtitripan pati na rin ng mga babae. Kung minsan nga ay pinapatulan ko sila but I will just end up like a desperate bitch trying to pursued my self that even how many times they'll drag me down I will still stand.
Ganun naman talaga. Hindi natin maiiwasan ang bully lalo na kung nagmula ka sa mayamang pamilya pero ang mukha mo ay anak mahirap.
Palabas ako ng kuwarto ng dumating si Jameson 'the guwapo' Cojuangco. Nakasuot ito ng kulay puting t-shirt at jersey na short at nakasukbit sa kaniyang balikat ang bag niya.
"Hello, Alina Siren Vegafria. Wag kang mabahala, Ali, andito na ako hindi kita iiwan."he said and then he wink at me.
His words wrap my heart.
"Salamat."tangi kong tugon at sabay kaming pumanhik patungo sa gymnasium kung saan gaganapin ang mini concert ng Fortitude Band.
Hindi ko naman kayang ipagkaila na ngayon lang ako makaka attend the isang mini concert. I never been to that kind of stuff so to spend money's and hag put with friends I chose to study and study because as far as I know this is what I want.
Nakaakbay sa akin si Jameson at ang lahat ng mata ng mga estudyante ay sa aming dalawa nakatuon. Kilala kasi si Jameson bilang pambansang chick boy dito sa loob ng campus kaya hindi na ako magtataka kung pati mga matites ay interesado.
May mga bumati at nakipag high five pa kay Jameson habang naglalakad kami patungong gymnasium.
Habang naglalakad kami sa mga nakahilerang mga kiosk dahil may one week na pag-ce-celebrate ng anniversary ng school kaya nagpagawa ng mga activities ang Dean namin.
The activities are also rated for the activity where we joined. Katulad na lamang ng kapag sasali ka ng activity regarding sa sports graded ito ng tinalagang propesor doon.
"Gusto mo ba ng kwek-kwek at juice, Ali?"pukaw ng atensyon ni Jameson sa akin habang nasa harap kami ng isang kiosk na nagbibenta ng mga street foods.
Napalingon naman ako sa kaniya.
"Uh, sige ba."tango ko at ngumiti naman sa akin si Jameson bago in-order ang kakainin naming dalawa.
Habang naghihintay kaming dalawa ay mga tili at sigawan ang aming narinig sa hindi kalayuan. Dahil sa kuryusidad ko ay napalingon ako sa kung saan yun nanggaling.
BINABASA MO ANG
Baka Balang Araw
General FictionPosted: February 17, 2022 - Status: On-going Ilang beses mo na bang natanong ang sarili mo kung hanggang saan mo kayang lumaban? Na baka balang araw kayo rin ang magkakatuluyan? Na baka balang araw mapansin niya rin ang pag-ibig mo? Ilang beses mo n...