Chapter Fifteen: The Customer is Always Right

451 20 2
                                    

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa ng story ko at sa pag-eeffort na pindutin ang vote button. Sana po ay nag-enoy ka pong basahin ito :)

======================================

Adam's POV

"Ikaw?..." Narinig ko 'ding sabi ng babaeng 'di ko aakalaing kaharap ko ngayon. Halos magkasabay kaming napasabi ng katagang 'ikaw'.

Baka naman mag-trending na ang #IKAW bigla-bigla.

Napansing kong agad-agad na nag-iba ang expresyon ng mukha niya, kanina ay matamis pa siyang ngumingiti ngayon hindi na. Indikasyon lamang ito na hindi niya pa 'rin nakakalimutan ang nangyari sa amin. Ibig sabihin, sa loob ng nagdaang araw, hindi niya ako nakalimutan. Yes!

Parang nawala sa isip ko ang misyon na ipinagkaloob sa akin ng mga kaibigan ko. In an instant, nag-flashback lahat ng nangyari sa amin noon ng babaeng ito.

"Maam?... Wala ka po bang balak mag-order? May mga nakapila pa po sa 'yong likuran." Narinig kong sabi niya na tila naiinis at nakasimangot lamang.

Susunggaban ko ang pagkakataon na customer niya ako ngayon, nakita kong papalapit ang manager nila at naisip kong inisin pa siya ng konti. Gusto ko lang naman mapansin niya ako at ng sa ganun hindi niya ako basta-basta makakalimutan.

"Ganito ba mag-serve ang mga crew dito? Parang naiinis ka po ata sa akin at nakasimangot ka lamang Miss. Hindi po ba pwedeng ma-delay ng konti sa pag-order dahil hindi naman po ako sing talino ni Einstein at mabilis ang proseso ng memorya. Isang hamak na tambay lamang po ako kung ikokompara kay Einstein." Nilakasan ko pa ng konti ang boses ko para makuha ko ang atensyon ng Manager nila... Na ikinalingon din ng iba pang mga customer ngayon. Nakita kong pati sila Alex ay nakatingin na din sa amin. Nakita ko pang nagmamake face si Chelsea ng 'What the Hell are you doing'.

Haah! Maghintay lang kayo at pasasaan ba't magiging mission complete din ito. Ako pa!

Sa tingin ko ay sasagot pa sana siya ngunit lumapit at bumulong ang Manager nila sa kanya at humarap sa akin.

"I'm sorry po Maam. Bilang compensation po sa pangyayaring ito ay ibibigay nalang po namin ng libre ang anuman po ang gusto niyong order."

Ah-hah! May naiisip ako. Mwahahah :3

"Okay lang po 'yon Maam. May iba po sana akong gustong request sa inyo instead na maging libre ang order ko. Pwede po ba 'yon?"

Mukhang nag-aalinlangan ang Manager nila at nag-isip pa ito bago sumagot. Nakita kong tumingin ito sa direksyon kung saan naroroon sila Alex. Mukhang humihingi ito ng permiso sa amo niya. Nag-thumbs up naman ang pambansang NBSB na si Khryssna at ngumisi ng nakakaloko.

Buhat 'dun ay ngumiti ng matamis ang Manager nila at humarap ulit sa akin.

"Sure po Maam. Ano po ba ang request niyo?"

"Siya." Sabay turo ko sa kaherang nakasimangot pa rin at ngayon ay gulat na gulat sa aking sinabi.

"Gusto ko siyang matutong ngumiti. Gusto ko siyang makasama habang ako ay kumakain dito. Maaari ba 'yon Miss?" Nakangiti kong turan sa kanya.

Way to go Adam! Easy-peasy! Ako naman ang panalo ngayon. Ikaw naman ang dehado ngayon Eve. Nyahahaha >:)

Eve's POV

"Siya." Narinig kong sabi ng manyak na babaeng ito at tinuro pa ako. Para namang ang laki-laki ng kasalanan ko kung tutuusin mas may kasalanan pa siya! Ano naman kaya ang gusto niyang mangyari ngayon??

Arrgggh... Nakakainis! Hindi ako pwedeng sumagot. Sabi nga nila, the customer is always right! Tsk! Sino ba nagpauso ng linyang 'yon at papaslangin ko now na!

"Gusto ko siyang matutong ngumiti. Gusto ko siyang makasama habang ako ay kumakain dito. Maaari po ba 'yon Miss?"

Juice colored. Ano ba naman ito! Kagabi lang binabangugot ako ng dahil sa babaeng ito. Ngayon ito na naman po siya. Akala ko ba sabi nila 'dreams do come true' Pati pala bangungot nag-cocome true din?!

Takot na napatingin ako sa aming Manager at wari ay huminhingi ng saklolo. Napakapit 'din ako kay Irish na ngayon ay nagtatakang-slash-tumatawang nakatingin sa akin.

"Sige po Maam." Sagot ng aming dakilang Manager! T__T

"Pero Maam..." Pag-proprotesta ko sana.

"Sige na Miss Carpio, alalayan mo na si Maam at si Miss Abellana na muna ang bahala dito." Sabay sinyas ng aking Manager na ngumiti daw ako.

Nooooooooooo! Hindi ako makapaniwala. Para akong binebenta. Ano pa nga bang magagawa ko?!

"Ehem.. ALALAYAN mo na daw ako Miss." Nakangising sagot niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang ngumiti sa kanya. >...

"This way po Maam."

Natatakot na inihakbang ko ang aking mga paa. Nangangamba na baka kong anu-ano ang gagawin sa akin ng babaeng ito. Baka naman gusto niyang madagdagan ang koleksyon ng manyak pictures niya?! Hindi maaari ito! Hindi ako magpapatalo sa manyak na ito!

======================================
A/N:
Ayan ho! At nagkita din silang dalawa ulit. Hahahahaha. Umpisa pa lang yan ng bangayan nila. Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Madadadagan kaya ang 'manyak collection' ni Adam? Hohohoho. Hindi ko rin po alam! Well... See you in the next chappy nalang po. Salamat readers! :))

............

K.thanks.bye

-Riis

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon