Chapter Nine: Bad Dream. Bad Day.

989 32 0
                                    

Eve’s POV

Tinignan ko ang aking relo. 3:30 pm na pala. Susunduin ko pa ang aking kapatid sa skwelahan. Labasan na nila mamayang 4 pm.

Naglalakad ako ngayon sa daan. Ang ganda naman ng panahon ngayon. Hindi mainit. Hindi din umaambon. Sakto lang. Masarap mag-hiking ‘pag ganito ang weather eh.

Ilang hakbang nalang papuntang school ni Chuchai ay may nakita akong isang bakanteng lote. Puro green lang ang nakikita ng aking mata. Punong-puno kasi ng damo ‘yong lote.

Nahagip ng aking mga mata ang isang puno sa may bandang gilid. Nakapagtataka, ‘yon lang ang puno na tumutubo sa lugar na ‘yon.

‘Hmm? Kelan pa nagkaroon ng bakanteng lote papunta sa school ni Chuchai? Wala naman ‘to dati ah? Ngayon ko lang ata nadaanan ito.’

 

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

“Miss..” Isang boses babae ang nadinig ko.

Napalingon ako. Hinahanap ko ang may-ari ng boses na ‘yon. Hindi ako yung tipo ng taong ‘pag may tumatawag sa ‘kin sa daan ay lumilingon ako. Pero itong boses na ‘to may kung anong hiwaga ang meron at napapalingon ako.

Nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng nag-iisang punong nakatayo sa bakanteng lote.

Nakatalikod lang siya.

‘May tao pala dito? ‘Di ko siya napansin kanina. Parang pamilyar ata ang babaeng ito.’

 

Napahinto ako sa aking paglalakad at ngayon ay nakatayo lang ako sa likuran niya.

“Ba-kit po?” Nauutal kong tugon sa kanya. Para kasing kinakabahan ako.

Dahan-dahan ay humarap siya sa aking direksyon. Gulat na gulat naman ako nung makita ko kung sino siya!

From  ~_~  naging ganito ang aking facial expression O_O!! Pati kilay ko ay napapataas.

‘Anong ginagawa ng babaeng ito dito??’

Nakita kong ngumiti siya ng nakakaloko sa ‘kin. Shet. ‘Yan na naman yang ngiti na yan.

“Miss gusto mo ba makita ang picture na kinuha ko? ‘Yong picture ng boobs mo.” Tumatawa niyang sabi sa ‘kin.

‘Waaaaaaaaaaaah! Lord? Bakit andito ang manyak na ito?’

“Ate! Ate! Ate Eve!”

Napabangon ako bigla.

“Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.” Hinihingal ko pang sigaw.

“Ate Eve! Nananaginip ka na naman.” Bungad sa akin ni Chuchai.

‘Napanaginipan ko na naman siya. Haaaaay. Pati sa panaginip ko ginugulo pa rin niya ako. Ano bang nangyayari sa ‘kin?’ *facepalm*

 

“Ate okay ka lang po ba? Ginising na po kita kasi kanina pa po tumutunog ‘yong celphone mo.” Sabi ni Chuchai sa ‘kin.

“Salamat sa pag-gising mo sa ‘kin Chai. Kung hindi mo ko ginising baka kung san pa napadpad ‘yong panaginip ko.” Nakangising sabi ko sa kanya.

Tinignan ko ang aking relo. 8 pm na pala. Nakatulog pala ako matapos kong maghugas ng mga pinggan kanina.

“Ano po bang napanaginipan mo Ate Eve? ‘Yong crush mo po ba?” Mapanuksong sabi niya sa ‘kin.

Ramdam kong namula ang aking mukha sa kanyang sinabi. Crush? Hindi ah! Buti sana kung ‘yong crush ko nga napanaginipan ko eh!

Nakakainis! ‘Yong manyak pa na ‘yon ang dumalaw sa panaginip ko. >_<”

“Hindi no. ‘Kaw talagang bata ka. In fact bad dream nga ‘yon eh.”

“Eh bakit po ikaw nag-blublush diyan ate?” Tatawa-tawa pa niyang sabi.

“Hindi ah! Naiinitan lang ako no. Kung anu-anong sinasabi mu diyan eh.”

Tumayo na ako at kinuha ang aking celphone sa aking study table. Wow. Andaming messages.

100 messages at 51 missed calls.

Ganun na ba ‘ko katagal natulog?

51 missed calls galing lahat sa iisang tao.

Binuksan ko ang aking inbox.

Halos lahat ay messages galing pa rin sa iisang tao. Galing kay Xander. Napabuntong hininga nalang ako.

‘Hindi ko gustong saktan ka Xander. Kelangan ko lang talagang gawin ito. Kelangan na kitang iwasan. Sana maintindihan mo ako.’

Para na akong maiiyak. Naiisip ko ang isa sa naging matalik kong kaibigan. Si Xander. Ilang araw ko na din siyang iniiwasan. Hindi pa naging maganda ang huling pag-uusap namin. Nagbitaw ako ng masasakit na salita sa kanya.

Pero kelangan.

Ang totoo mahigit dalawang taon na kaming magkaibigan ni Xander. Last year lang inamin niya sa ‘kin na may nararamdaman siya para sa ‘kin.

Oo napalapit na talaga ang loob ko sa kanya sa mga lumipas na panahon.

Sa totoo lang hindi naman siya mahirap mahalin. Mabait siyang tao. Maalaga. Lahat na ata nasa kanya na.

Pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya eh. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. At isa pa..

Babae siya.

‘I’m sorry Xander.’

 

May isang message na galing sa isang tao.

‘Ano na naman kaya ang kelangan mo ngayon Edward?’

Binuksan ko ang nag-iisang message galing kay Edward. Napabuntong-hininga ako.

>Puntahan mo ako dito ngayon na. Kailangan kita. Andito ako ngayon sa bagong bukas na bar. *insert address here*<

‘Naglalasing na naman kaya siya?’ Napabuntong-hininga nalang ako ulit.

Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong-hininga na ako sa araw na ito. Puro nalang problema ang dumadating sa buhay ko ngayon.

Kelan pa kaya ako magkakaroon ng araw na walang problema?

Napatingin ako sa aking kapatid na ngayon ay busy na nagcocolor sa kanyang coloring book.

‘Mahal na mahal kita Chuchai. Gagawin ko ang lahat para sa’yo.’

.....

K.THNX.BYE

xRiis 

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon