Chapter Sixteen: Convicted Adam

533 22 5
                                    

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa ng story ko at sa pag-eeffort na pindutin ang vote button. Sana po ay nag-enoy ka pong basahin ito :)

=================================

Adam's POV

Hindi ko maalis ang ngiti sa aking mukha. Mukhang na mighty bond na ata ito. Maging permanent na kaya ito?

Nagulat ako ng malaman kong si Miss Stranger pala ang dahilan kung bakit napasalang ako sa isang misyon ngayon... Muntikan ko ng makalimutan na para ito kay Alex.

No wonder kung bakit nagkakaganito si Alex ngayon. Hindi isang ordinaryong babae si Eve... Extraordinary!

Kung hindi dahil kay Alex, iisipin ko na sanang tinadhana talaga kami na magkita.

Totoo nga kaya ang tadhana? Ewan.

Andito na kami ngayon sa sasakyan ko at tintahak ang daan papuntang studio ni Alex. May pag-uusapan daw kami.

"Iliko mo 'yong sasakyan diyan sa kaliwa Nina." Narinig kong sabi ni Khryss.

"Huh? Bakit? Hindi naman yan ang daan papunta sa studio ni Alex ah?"

"Kasi may alam akong magaling na rehabilitation center diyan."

"Rehab? Para saan? Sino ang ipapa-rehab mo?"

"Ikaw... Kanina ka pa kasi ngiti ng ngiti dyan! Nababaliw kana ata eh." Natatawang sagot ni Khryss.

"Heh! Wag ako pagtuunan mo ng pansin. Lovelife mo 'yong asikasuhin mo."

Binato ba naman ako ng bag! Arrrgg. Truth hurts ika-nga. Hahahahah.

"'Pag ako nagka-lovelife Nina, humanda ka talaga sa 'kin. Ikaw naman ang magiging single!" Pagbabanta ni Khryss na akala mo naman ay matatakot ka.

"Ang problema Khryss kung saan ka maghahanap ng maha-hire mo na lalaki bilang boypren mo." Biglang singit naman ni Alex sa usapan.

Mas lalo tuloy nainis si Khryss.

"Guys! Tama na nga 'yan... Alam niyo ano ang problema talaga? 'Yon ay kung may hiring agency man na available para diyan, baka bigla mag-close 'pag nakitang ikaw ang bibili ng lalaki Khryss." Dagdag naman ni Chelsea na akala mo siya na ang heroine ni Khryss... Pero hindi pala.

Sorry Khryssna.

Natatawang napapa-iling na lang ako habang ngda-drive.

Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa shop....

"This way po Maam."

Excited na sumunod ako sa kanyang likuran.

"Please call me Adam nalang. Maam's too formal." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumasagot. Anu ba yan! Narating namin ang table at umupo na.

"Sorry but I didn't catch your name Miss...?"

"Carpio. Evelyn Kristine Carpio." Matipid niyang sagot.

"So Eve... Nakakalimutan mong ngumiti." Pag-papaalala ko sa kanya sabay sinyas sa aking mukha at nag-sample kung paano ngumiti ang mga pogi! Hahahahahha.

Napilitan naman itong ngumiti.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Hindi na ito nakakatuwa. Hindi ka pa ba nakontento sa nangyari 'nong nakaraan?"

"So hindi mo pala talaga ako nakalimutan. And yes... I will never get enough of you." Sagot ku naman sa kanya na tingin ko ay ikina-pula ng kanyang mukha.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon