Chapter Eleven: To The Last Degree!

987 31 3
                                    

Adam’s POV

Buong magdamag ay nagtatawanan lang kami sa loob ng VIP lounge.

Inom dito. Inom doon.

Kain dito. Kain doon.

Kulitan.

Asaran.

“Guys. Salamat talaga sa lahat ah. Ang swerte ko talaga at kayo ang naging kaibigan ko. Tunay kayo!” Nakangiting sabi sa amin ni Alex.

“Group hug na!” Masayang sabi ko sa kanila.

Nakatingin lang ako kay Alex ngayon. Nakikita ko sa kanya na masaya siya ngayon at totoo ang sayang pinapakita niya sa amin.

For the first time naging totoo ang saya niya mula nung mabroken-hearted siya.

I guess success ang ginawa namin ngayon para sa kanya.

‘Sana magtuloy-tuloy na ito. Sana hindi magiging panandaliang kasiyahan lang sayo ‘to Alex.’

 

Kung tutuusin hindi mahihirapan si Alex makahanap ng girlfriend. Maganda naman si Alex at nag-uumapaw ang sex appeal niya.

Sa aming dalawa si Alex ang naunang umamin sa lahat nung high school kami na siya ay isang lesbian.

Matapos niyang aminin ‘yon ay dumadagsa na ang mga babae na lumalapit sa kanya.

Natatawa nalang ako ‘pag naaalala ko ang pangyayaring ultimo mga babae pa ang nanliligaw sa kanya noon.

“Adam thanks talaga ha.” Pabulong na sabi niya sa akin.

“Wala ‘yon. Alam ko namang mahilig ka talaga sa mga hot and sexy girls.” Pabiro kong sabi sa kanya.

“Loko ka talaga! Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. I mean salamat sa lahat ng efforts mo mapasaya lang ako.” Seryosong sagot niya.

“Awww. Touch naman ako sa sinabi mo tol. Gusto ko tuloy lumuha ng popcorn. Hahaha.”

“Kaadikan mo talaga. Nagseseryoso na nga ako dito eh. Sa totoo lang, ang gaan gaan na ng pakiramdam ko. Feeling ko nga eh ay makakayanan ko ng mag-move forward. Para akong na-inspired dahil sa pinaggagawa niyo para sa ‘kin. Nakakahiya na kasi sa inyo eh kung magmumukmok pa ako ulit pagkatapos nito.” Mahabang litanya niya sa akin.

“That’s good tol. Masaya ako at na-realize mo ‘yan ngayon. Alam ko namang kaya mo talaga yan eh basta andito lang kami lagi para sa’yo. Be firm on your decision now na mag-momove forward ka na talaga ha. Para din kasi sa’yo ‘yan eh.”

“Yeah. There’s no point on staying the way I am now. I am now determined to fix myself. Pakiramdam ko nga eh ngayon pa lang I have already fixed myself.” Nakangiting sabi niya sa akin.

“Push mo lang ‘yan tol. Labyu.” Sabay kiss sa pisngi ni Alex. Hahahaha.

“Tigilan mo nga ako kaka-kiss sa pisngi ko Adam! Nakakadiri ka na talaga!” Tinulak ba naman ako ng loko.

‘Di ba pwede maglambing sa kaibigan?

Hahahaha.

“Hep. Hep. Nakakadiri ba kamo? Baka nakakalimutan mo na naman?” Tatawa-tawa kong sabi sa kanya.

“Aiiish. ‘Di ko nakakalimutan ‘yon no! Please. ‘Wag mo na ikwento ‘yon ulit. Please lang. Maawa ka.”

“Ang arte-arte mo tol. Ikaw na nga ‘tong nilalambing diyan eh. PDA kaya ako sa’yo.”

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon