Misis D.

566 27 6
                                    

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa ng story ko at sa pag-eeffort na pindutin ang vote button. Sana po ay nag-enjoy ka pong basahin ito :)

==========================

Eve's POV

"Bessy... Tulong naman. Wala talaga akong maisip na mahirap na challenge." Pagsusumamo ko kay Irish. Mahigit 30 minutes na ang nakalipas pero wala pa 'rin akong maisip.

Kailangan tigilan na ako ng manyak na ito.

"Hay nako Eve. Bakit mo pa kasi tinanggap ang challenge eklavu na 'yan?"

"She's not giving me any choice Irish. Ang sabi niya kapag hindi ko tinanggap ang challenge mas lalo siyang mangugulit." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Bakit ba gustong-gusto niyang makipagkaibigan sa'yo?" Tanong ni Irish na palaisipan 'rin sa akin.

Pati ako ay nahihiwagaan sa pag-aalok niyang maging kaibigan ko siya.

"Hindi ko alam." Tila walang ganang sagot ko sa kanya dahil parang natutuyo na ang aking isip kakaisip.

"Hmmm.. Let me see. Bakit hindi mo nalang siya e-challenge na magpasagasa doon sa daan ng sa ganon kahit magawa niya 'yong challenge mo ay 50/50 naman buhay niya. Kaya may posibilidad na hindi mo na siya makikita kahit kailan at wala ng mangugulit talaga sa'yo. Parang hitting two birds in one stone na 'rin."

"Seryoso ka diyan sa sinasabi mo bessy?! Hindi ko magagawang ipagawa sa kanya 'yan no. Para pa akong naging kriminal niyan. At isa pa ang criteria ng challenge ay dapat 'yong magagawa lang dito sa loob ng coffee shop." Sagot ko sa kanyang karumal-dumal na suhestiyon.

"Hindi mo naman sinabi kasi agad sa akin eh na meron pa lang criteria itong challenge." Sabay napakamot siya sa kanyang ulo.

"Dali bessy, mag-isip ka pa ng iba please. 30 minutes nalang ang natitira sa time ko dapat mabigyan ko na siya ng challenge or else considered as winner na siya."

"Ay ganon? May time limit pala ito? Diba pwedeng open time? Teka teka mag-iisip ako ulit."

"Ah-ha!" Biglang sigaw ni Irish na ikinagulat ko naman.

"Ano naiisip mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo nalang siya e-challenge na uminom ng isang basong tubig na galing sa toilet bowl?" Sabay ngiti ng nakakaloko.

"What?? Ano ba 'yan Irish. 'Yung mga idea mo lagi may involve na mapapahamak siya."

"Ayyiiie. Concern siya." Panunukso niya sa akin sabay taas-baba ng kilay niya.

"Hmp! Concern ka diyan. Hindi naman sa ganon. Ayoko lang kasi na may mapapahamak. Para ko na rin siyang pinasagasaan 'nun sa daan. Paano 'pag nagkasakit siya dahil 'don? Eh di gagastos pa ako para pampagamot niya."

"Hmm... May point ka 'don Eve. Talino talaga ng bessy ko! Nag-iisip ng adbans!"

"Guys?? Ready na ba 'yong banda na tutugtog ngayon? Andiyan na si Misis Dimaimpress." Narinig naming sigaw ng Manager namin na parang natataranta.

"Ready na po sila Ma'am. Andun na po sila sa stage." Sagot ng kasamahan namin sa trabaho.

"Sigurado ka bang magaling talaga ang banda na 'yon?" Paninigurado ng aming manager.

"Opo Ma'am. Ilang beses na po silang nanalo sa iba't-ibang contests."

"Good. Sana naman maganda na ang magiging feedback ni Misis Dimaimpress ngayon." Pag-aalala ng aming manager.

So... Sino nga pala si Misis Dimaimpress??

Isa siya sa masasabi naming critique ng coffee shop.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon