Chapter Twenty: Nang Dahil sa Toothpick.

530 22 9
                                    

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa ng story ko at sa pag-eeffort na pindutin ang vote button. Sana po ay nag-enjoy ka pong basahin ito :)

==========================

Adam's POV

"Manang, apat pa nga 'pong isaw. Mukhang gutom na gutom itong kasama namin eh." Narinig kong reklamo ni Khryss sa nagtitinda ng barbecue.

Ako naman ay walang pakialam kundi ang kumain lang ng kumain.

Gutom na gutom na kaya ako! Naudlot pa 'yong pagkain sana sa Canteen kanina. Tsk!

"Nakakapgoord koyo mag-arool." Sagot ko naman sa kanya habang ngumunguya ako.

"Hayaan mo nalang 'yan si Adam Khryss. Mukhang gutom na gutom talaga. Ito tol oh tubig baka mabilaukan ka pa." Sabi naman ni Alex.

"Salamat tol ah."

Andito kami ngayon sa isang boulevard. Dito kami madalas tumambay magbabarkada kahit 'nong highschool pa kami.

Matapos ng aking klase ay agad na tinawagan ako ng aking mga boss.

"Okay lang samin na palamunin ka ng palamunin AC. Basta ba ay may progress na sa misyon mo. Dapat sa lalong madaling panahon ay matapos na ito." Sabi naman ni Chelsea.

"So kamusta naman ang 1st day of school mo? Ano bang ginawa mo at napagod ka? Nagkita ba kayo ni Eve?" Sunod-sunod na tanong naman ni Khryss.

"Wala akong subject na pinasukan kanina." Pag-uumpisa kong kwento sa kanila habang kumakain pa 'rin.

"Whaat?!" Sabay pa na napasigaw ang tatlo.

"So saan banda ka napagod 'don aber?" Tanong naman ni Chelsea.

"Diba sabi niyo naman ay okay lang na magbulakbol ako." Pagdedepensa ko naman sa aking sarili.

"Pero hindi ibig sabihin 'non na hindi ka na papasok sa lahat ng subjects mo! Ano lang ba ginawa mo kanina?" Tanong naman ni Chelsea habang nakapamewang.

"Nag-ikot ikot lang sa school. Sa sobrang laki ng paaralang iyon, hindi ko nahanap ang classroom ng 1st subject ko. Na-late na ako ng isang oras. Tinamad na ako kaka-ikot kaya tumambay nalang ako sa library at natulog. Nakakapagod kaya maghanap ng classroom."

"Wala ka talagang ka kwenta-kwenta!" Pasigaw na sabi ni Khryss sabay bawi sa mga isaw na kakabili niya lang.

"Bakit mo binawi? Aiish. Nagugutom pa ako. Naman eh!"

"Wala ka namang nagawa sa araw na ito ah! Natulog ka lang pala sa library!" Sagot naman ni Khryss.

"Hep. Hep. 'Di pa ako tapos sa aking pagkwekwento. 'Wag mo kasi akong pangunahan. Kaya ako gutom na gutom ngayon kasi hindi ako nakakain kanina ng dahil kay Eve."

"Nagkita kayo tol? Anony nangyari?" Agad-agad namang tanong ni Alex sa akin. Kita ko sa kanyang mukha ang excitement.

"Oo. Nakasalubong ko siya sa canteen."

"Tapos? Ano? 'Yon lang? Nakasalubong mo lang siya sa canteen? Pustahan tayo! Inaway mo na naman siguro 'no?" Sambat naman ni Chelsea.

"Kayo naman, 'di pa ako tapos magkwento. Bakit ba ang hot niyo malaman 'yong nangyari?"

"Eh paano po kasi bakit paputol-putol ka ng pagkwekwento diyan! Ituloy-tuloy mo kasi, nambibitin ka naman eh."Reklamo naman ni Khryss.

"Actually, hindi ko pala siya nakasalubong. Makakasalubong ko pa lang sana siya kung hindi siya nauntog sa pintuan ng canteen 'nong binuksan ko 'yon." Natatawa ako habang naaalala ko 'yong nangyari kanina. Hahahahah.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon