Chapter Ten: Ang First Kiss ni Alex.

1.1K 34 2
                                    

Adam’s POV

“Hey tol. Tama na ‘yan kanina ka pa shot ng shot diyan eh.” Saway ko kay Alex.

Wala pang isang oras na andito kami ay para ng lasing na lasing itong si Alex. Tss. Hindi naman sanay uminon pero ito ginawang parang tubig ang tequila. >_<”

Ganito din ba ako noon?

Sagwa pala tignan ‘pag nagpapakalasing ka dahil lang broken-hearted ka. XD

Andito kami ngayon sa bagong bukas na bar ni Chelsea. Ang galing talaga ng kaibigan ko. Naisipan niyang magtayo ng bar dito.

May bandang tumutogtog dito ngayon. Ang ingay-ingay na ng paligid. Nagsisimula ng maging wild ang mga tao dito.

Inuman.

Sayawan.

Yosi.

Tawanan.

Nagbabangayang mga lasing.

Naglalampungang mag-syota.

Typical na scenario ng isang bar.

“Ano ka ba naman ba AC! Akala ko ba andito tayo ngayon para libangin ako tapos ngayon pinapatigil mo na ako sa aking pag-iinom.” Pagmamaktol na sabi sa ‘kin ni Alex.

“Kaya nga pinapahinto muna kita sa ‘yong pag-iinom. Baka kasi mamaya ‘pag andiyan na ‘yong surprise ko sa ‘yo eh makatulog ka na. You’ll miss the fun.” Nakangising sagot ko sa kanya.

“I don’t like that smile Adam. Ano na naman bang kalokohan ‘yang surprise na ‘yan ha?”

“Come on. ‘Pag galing sa akin ang surprise kalokohan na agad? Sakit mo naman magsalita tol. Ginagawa ko nga ‘to para sa iyo eh.” Nakangusong sabi ko sa kanya.

“Alright. Alright. Kung ano man ‘yan tol. Ngayon pa lang, thank you.” Seryosong sabi ni Alex.

Nakikita ko sa kanyang mga mata na sincere siya sa sinasabi niyang thank you. Na natutuwa siya sa mga ginagawa namin para sa kanya.

Pero hindi nakaligtas sa akin ang matinding lungkot na nakikita ko din sa kanyang mga mata.

“Basta para sa’yo tol! Kaw pa. Malakas ka sa ‘kin eh.” Sabay halik sa kanyang pisngi. Hahahah!

“Waaaaah! What the.. Adam! Nakakadiri ka.” Pinunasan niya ang kanyang pisngi.

Hahahaha! Ganito ako ka-sweet minsan sa mga kaibigan ko.

“Sus! May nalalaman ka pang nakakadiri diyan. Parang nakalimutan mo na ata ‘yong ginawa mo sa ‘kin nong high school pa tayo.”

Kunot-noong nakataas ang kilay ni Alex. Nalimutan na niya ata ang ginawa niya sa ‘kin dati.

Pwes! Ipapaalala ko sa kanya. >:)

“Remember the time when you got really drunk for the first time? Birthday ‘yon ni Khryssna eh at nag-inuman tayo nun sa bahay nila. Ako ang naghatid sa’yo pauwi nun. We were at your doorstep. When I was about to open the door. Bigla mo nalang akong hinila paupo sa hagdanan niyo. The next thing I know you were sitting on my lap.

You began kissing me. Torrid. With all the sabunot pa sa aking buhok.”

Parang nasamid pa si Alex. Ngayon naaalala na niya. Hahahaha! Yung mukha niya ngayon hindi mo mawari. Para siyang natatae na ewan. Priceless!

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon