Chapter Seventeen: Camouflage

425 22 6
                                    

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa ng story ko at sa pag-eeffort na pindutin ang vote button. Sana po ay nag-enjoy ka pong basahin ito :)

=================================

Eve's POV

Nakakainis talaga ang babaeng 'yon! Daanin ba naman ako sa pag-eenglish niya at pa-smile smile.

Hmmp! Sa tingin niya makikipag-kaibigan pa ako sa kanya? Matapos ng lahat ng ginawa niya sa akin?!

Pinahiya niya pa ako kanina sa shop! Pinagalitan pa ako ng Manager namin at muntik ng masisanti.

Gaaaaaad! May balat ata sa pwet ang babaeng 'yon at pinapasa niya sa akin ang kamalasan niya sa buhay.

Mabibigat ang mga paa kong naglakad patungong locker room namin para makapagbihis at maka-uwi na.

Nakakapagod ang araw na ito! Super.

"Hi Miss Smile." Panunukso sa akin ni Irish pagkapasok ko sa locker room.

"Irish ha, tigilan mo ako. Wala ako sa mood.
At pagoooood na pagod ako!"

"Pagod? Talaga lang bessy ah? Paano ka napagod? Eh nakaupo ka lang naman 'don at nakikipagkwentuhan. Hahahahah."

"Hindi mo lang alam kung anong dinanas ko sa babaeng 'yon."

"Bakit? Anyare ba? Bakit nga pala ang init ng ulo mo sa babaeng 'yon? Naagawan mo ba 'yon ng boypren? O nakaaway mo ba 'yon sa school? Infairness ha, ang ganda niya!"

"Maganda nga manyak naman..."

"Huh?? Manyak? Sino? 'Yong magandang 'yon? Bakit inano kaba non? Paki-kwento mo nga sa akin bessy."

Kwenento ko lahat-lahat ng nangyari kay Irish. At ang bespren ko naman tawa lang ng tawa -.-

"Hahahahaha. Napagkamalan ka pa niyang magnanakaw?"

"Sa lahat ng naikwento ko, 'yon talaga ang highlight para sa'yo?"

"Eh kasi nakakatawa kayong dalawa. Nagbibintangan ng kasalanan. Pwede na kayo gawan ng title ng pelikula bessy. 'Ang Manyak at ang Magnanakaw' hahahah"

"Kabigan nga talaga kita! Hindi mo man lang ba ako kakampihan? Ako 'yong naagrabiyado, dagdag pa 'yong kanina!"

"Kalma ka lang okay bessy? Kasi naman kung sa kaso 'yan, suspect pa lang siya at hindi pa confirm na manyak talaga siya."

"So mas naniniwala ka pa sa manyak na 'yon kesa sa akin?"

"Hindi naman sa ganun bessy. Isipin mo naman, kung talagang nakuhanan ka niya ng pic ng dibdib mo, eh 'di sana nakikita mo na 'yon ngayon sa mga social media sites pati sa porn sites! Wala naman eh."

"Porn sites? Eeeeeh. 'Di kaya ako gumagawi dyan, paano ko malalaman??"

"Gusto mo ma-try? Mag wifi tayo ngayon, check natin!"

"Ayoko nga bessy. Ikaw nalang."

"Asuuus! Dadating din ang panahon na gugustuhin mong manuod ng mga ganon! Lalo na pag namimiss mo na."

"Haaa? Anong mamimiss? Saka 'wag mo nga ako itulad sa'yo. Mga pinagagawa mo bessy eh!"

"Basta bessy, malakas ang kutob ko na hindi talaga manyak 'yong babaeng 'yon. Nararamdaman ko lang sa vibes ko. Mukha namang mabait eh. Tapos kanina imbis na pagalitan ka pa niya, ni-treat ka pa niya at nakipag-kaibigan!"

"Ah basta... Wala talaga akong tiwala sa babaeng 'yon."

"If you say so bessy."

Bigla namang tumunog ang phone ko.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon