Chapter Five: East of Eden.

1.2K 37 0
                                    

Damang-dama ko na talaga ang aking moment. Ng biglang may humila ata sa aking damit.

Aiish >_<. Ano ba ‘yan. Sino ba sumisira ng moment ko?!

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang batang lalaki na ngumisi ng nakakaloko.

“Ate. Tama na po ‘yan! Para ka na po kasing nagmumukhang tanga. Maganda ka pa naman ate. Sayang naman. At saka nagsisimula na pong umulan ng malakas oh.”

Aba. Ibang klase din itong bata ‘to ah. Kung makapayo sa akin oh kala mo mas matanda pa sa akin. Kung hindi lang ‘to bata eh pinatulan ko na.

“Ano bang kelangan mo bata at iniistorbo mo ako?!” Iritado kong sabi sa kanya.

“Ate sini-save lang kita sa kabaliwan mo po.” Luhh. Sumusobra na ata ‘tong batang ‘to ah.

“Relax ka lang ate ganda! Ang mas mabuti pa po ay bilhan mo ko nitong Apple na tinitinda ko ate ganda oh?”

Kaya pala nang-iistorbo ‘to eh. Kaya pala lakas makapangbola nito. Nag-sasalestalk pala siya! Hmmp. Bata-bata pa eh may nalalaman ng ganito.

“Ah. Kaya pala iniistorbo mo ako eh. May kelangan ka pala sa akin ha.”

“Sige na po ate. Bumili ka na po nitong apple ko. Promise po matamis ito! Saka sabi nga nila ito ang tinutukoy sa bibliya na bunga ng tree of life sa Garden of Eden!”

“Aba at dinamay mo pa ang bibliya sa pagtitinda mo ng apple ah! Wala namang binanggit sa bible na apple ang pangalan nong bunga ng tree of life sa Eden ah.”

“Ah! Basta. Masarap pa rin po ito. Saka sabi nga nila diba An apple a day keeps the doctor away!” Nakangiting sabi ng batang makulit. Lokong bata talaga ito ah.

Aalis na sana ako ng bigla naman siyang nagsalita.

“Please po ate? Maawa ka na po sa akin. Kelangan ko pong maubos ‘yong paninda kong apple. May sakit po ang inay ko. Siya dapat ang nagtitinda nito dito pero ‘di na kinaya ng katawan niya kaya ako po ang pumalit. Kelangan ko ng perang panggamot sa kanya.” Mangiyak-ngiyak na saad ng bata sa akin.

Nahabag naman ako sa aking narinig. Kawawa din pala ang batang ‘to. Sa kabila ng pagiging makulit niya may dinadala pala siyang problema. Bata-bata palang niya at may dinadala na siyang ganyang kabigat na problema.

“Hmm. Sige na nga! Sige bibilhin ko na lahat ng paninda mong mansanas.” Sabay hawak ko sa ulo niya.

“Talaga po ate?? Yey! Ikaw na po pinakamaganda na nakilala ko sa buong buhay ko!” Lumiwanag naman ang kanyang mukha.

“‘Kaw bata ka ‘wag ka na mambola. Ilang mamimili na kaya ang nasabihan mo ng ganyan ah? Oh magkano ba ‘yang lahat?” Turo ko sa dala-dala niyang dalawang apple.

“Ay, hindi lang po ito ang tinda kong apple ate. Parang sample display ko lang po itong apple na dala ko po. ‘Yong mga paninda kong apple nasa loob po ng Garden of Eden.”

Lol. May nalalaman pa siyang sample display. Bata pa ba talaga ‘tong kausap ko?? ‘Yong totoo?

“Tara na po ate. Pasok po tayo sa loob ng Garden of Eden.” Sabay hila sa akin ng batang makulit.

Pagkapasok namin sa Garden of Eden. Namangha ako sa aking nakita. Wow. Napanga-nga ako, literally.

Hugis pabilog ito. At nahati sa dalawa ang Garden of Eden. East at West Section ang tawag.

Sa gitna ay parang may man-made na mini-river.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon