Chapter Twelve: The Reason.

956 35 2
                                    

Dedication:

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa mo ng story ko at sa pag-eeffort mu na pindutin ang vote button. Salamat ng madame sa flood votes ^__^

==================================

Eve’s POV

Andito ako ngayon sa harap ng bar. Halatang bagong bukas pa lang ito. Kahit na ayoko pumunta dito ngayon ay napilitan ako.

Kailangan.

Hindi ako ‘yong tipo ng tao na mahilig mag-bar. Mas gusto ko pang mag-stay sa bahay 24/7 at makipagkulitan sa kapatid ko.

*Ring.. Ring.. Ring..*

Edward Calling..

 

Napabuntong-hininga na lang ako. Ito na naman po siya at tumatawag. Sinabi ko na ngang pupuntahan ko siya minamadali naman ako.

“Hello?” Malumanay kong sagot sa tawag kahit naiinis ako.

“Eve, asan ka na ba? Pupunta ka pa ba ha?” Bakas sa kanyang boses na naiinip na siya.

Kaya ayoko ‘pag nag-lalasing siya eh. Lumalabas ang kanyang di kaaya-ayang ugali. Mabait naman talaga si Edward. Lately lang ay para na siyang laging galit sa ‘kin. Lagi na niya akong mino-monitor. Nag-selos kasi talaga siya ng husto nong malaman niyang may gusto pala sa akin si Xander.

“Andito na ako sa labas ng bar na sinasabi mo. Papasok na ako sa loob.” Pinipigilan kong tapatan ang topak niya.

“Okay.”

‘Yon lang at binaba na niya ang tawag. Nag-simula na akong pumasok sa loob ng nasabing bar. Grabi andaming tao at parang mabibingi na ako sa lakas ng music.

“Hey gorgeous. Can I take you to the dance floor?” Napataas ang kilay ko. Bigla-bigla ba namang sumulpot ang taong ito at humawak pa talaga sa bewang ko.

Ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayoko mapadpad sa isang bar. Ang daming manyak eh.

“Sorry. But I don’t mingle with strangers.” Mataray kong sagot sa kanya.

“Okay then let me introduce myself. I’m Mark and you are?” Nakangiting sabi niya sa akin.

Aba ang kulit naman ng lalaking ito! Siguro kung malandi lang akong babae ay kanina pa ako nakipagsayaw sa lalaking ito. Gwapo naman siya eh pero ‘di ako ganong tipo ng babae na mukha lang ang basehan.

Inirapan ko lang siya at aalis na sana ako ngunit bigla niya akong hinawakan sa braso.

“Hey don’t you know that it’s rude to walk away without even saying goodbye?”

Grrr.. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito! Ayaw pa akong tantanan eh.

“And don’t you know that it’s rude to touch someone you don’t really know and without even the permission of the person? I can sue you for sexual harassment, you know.” Naiinis kong turan sa kanya.

“Alam mo Miss ang sungit at ang suplada mo. Ang ganda mo pa naman sana.” Sabi niya sinamahan pa ng mahinang tawa.

Hindi pa rin niya ako binibitawan. Sasagot na sana ako sa kanya ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Bitiwan mo ang girlfriend ko or ako ang makakaharap mo.” Puno ng awtoridad na sabi ng taong nasa likuran ko.

‘Girlfriend?’ Kunot-noong napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na ‘yon.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon