Dedication:
Salamat po sa pagbabasa ng story ko at ganun din sa pag-eeffort mo na pindutin ang vote button ^__^
==========================
Adam’s POV
When you try your best, but you don't succeed
When you get what you want, but not what you need
When you feel so tired, but you can't sleep
Stuck in reverse
And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone, but it goes to waste
Could it be worse?
Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you
And high up above or down below
When you're too in love to let it go
But if you never try you'll never know
Just what you're worth
Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you
Ano ba ‘yan mukhang nananadya pa ang pagkakataon at ang kantang Fix You pa talaga ng Coldplay ang pinapatugtog ngayon sa radyo.
Andito na kami sa sasakyan ngayon tinatahak ang madilim at tahimik na daan pauwi sa aming mga bahay. Ihahatid ko na sila pauwi. Ito ang disadvantage ‘pag sa barkada ikaw ang may sasakyan, gagawin ka nilang driver. =_=
Napatingin ako sa mga kasama ko. Nasa back seat lang si Khryssna. Mukhang mahimbing na ang tulog. Nakanga-nga pa nga eh. Si Chelsea nagpaiwan pa dun sa bar niya susunduin naman daw siya ni Geison, ‘yong boyfriend niya.
Sa passenger seat naman ay nakaupo si Alex.
Tahimik lamang ang aking matalik na kaibigan habang nakatingin sa daan. At di nakaligtas sa aking mga mata ang mga luhang umaagos pa rin sa kanyang mga pisngi kahit madilim sa loob ng sasakyan.
Kanina pa naiyak itong si Alex. Hinahayaan ko nalang.
Luha ang nagsisilbing bibig ng puso kapag ang sakit ay hindi na masabi ng labi.
“Tol. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin kanina. Ang hirap paniwalaan na ang taong nagsasabi ng mga ‘yon sa akin ay siya. Tapos nalaman ko pang may lalaki pala siya.” Biglang pagputol ni Alex sa kanyang pananahimik.
Tahimik lang ako at hinahayaan ko siyang magsalita. Hahayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob.
“Sabi nila The Truth will Set you Free. Pero bakit ganun pakiramdam ko nakakulong pa din ako sa mga alaala niya? Kung ako man ay nakakulong ngayon sa isang kwarto, nakabukas na nga ang pinto ngunit ‘di ko magawang maihakbang ang mga paa ko palabas.” Sabay hinga niyang malalim.
BINABASA MO ANG
Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)
Romance"In the garden, snake was a charmin'. Eve said, let's give it a try. Now, lead us not into temptation. But no matter how hard I try. Eve is the apple of my eye.." Meet Adam Chrisnina Segovia. Makulit. Palabiro. Mahilig sa Photography. Mahilig sa Art...