Chapter Nineteen: Fate on a Grumbling Stomach

532 25 4
                                    

Nais ko lang po sanang magpasalamat sa pagbabasa ng story ko at sa pag-eeffort na pindutin ang vote button. Sana po ay nag-enjoy ka pong basahin ito :)

==============================

Adam's POV

"Kanina pa ako paikot-ikot dito ah. Aiiiissh. Kainis naman." Pinagpapawisan na ako ng madami sabay napaupo sa isang bench.

Mag-iisang oras na ata ako paikot-ikot sa university na ito at hanggang ngayon 'di ko pa rin mahanap ang classroom ng unang subject ko.

Late na late na ako!

Wala kasi talaga akong sense of direction eh. Haaaaay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako ngayon sa isang university...

At nag-aaral ulit!

"Sh*t." Napatingin ako sa aking relo at nakitang lagpas 9am na dapat sana ang 1st class ko ay 8am.

Pahamak talaga itong mga kaibigan ko oh! Napapatulala nalang ako at naaalala ang nangyaring 'orientation' umano nila sa akin kanina.

"Remember AC, HRM student ka sa university na 'yon ha at pangalawang kurso mo na 'yan."

"Huwag kang tatanga-tanga 'don Nina." Sambat naman ni Khryss.

Pinandilatan ko kaya siya ng mata!

"Gusto mo Khryss habang andun ako hanapin kita ng boypren?" Sabay ngisi ko ng nakakaloko.

"Tse!" Sabay irap naman sa akin ni Khryss.

"Adam, ito ang class schedule mo. Nahanda mo na ba ang mga gamit mo tol?" Tanong naman ni Alex sa akin.

"Kayo naman! Daig ko pa ang nagkaroon ng tatlong nanay! Hahahhaa. 'Di na ko bata 'no."

"Wala sinisugarado lang naman namin na ayos na ang lahat." Sagot naman ni Khryss.

"Basta AC, kapag may kailangan o problema ka, hanapin mo lang si Miss Arandoque, 'yong sinasabi ko sa inyo na Vice Chancellor on Academics. Siya 'yong tumulong sa atin para makapasok ka sa school ng walang bayad at walang ka hirap hirap." Pagpapaliwanag ni Chelsea.

"So... May tanong lang ako guys?"

"Ano 'yon?" Sabay na pagkasabi pa ng tatlo.

"Magkano ba allowance ko araw-araw?" Sabay smile ng pagkatamis-tamis. 'Nong sinabi ni Chelsea na magiging studyante ulit ako, ang pinakaunang pumasok sa isipan ko ay ang ALLOWANCE.

'Yon naman talaga ang nagpapamotivate sa mga studyanteng katulad ko diba? XD

"Siraulo ka!" Sabay batok ni Khryss sa akin.

"Magpapanggap ka lang naman na studyante AC eh. Kaya hindi mo rin kelangan magpanggap na may allowance ka. Kahit pa magbulakbol ka sa mga klase mo ay ayos lang."

"Ang importante at 'wag na 'wag mo kakalimutan Adam Chrisnina, ay ang dahilan kung bakit andun ka sa paaralan na 'yon. Si Eve." Sagot naman ni Khryss.

Si Eve.

Ng dahil sa babaeng 'yon kinalaingan kong mag-aral ulit. Tsk.

Ng walang allowance! Nakakatamad pa naman 'yon.

Aiiiiish.

Napagpasyahan kong tumayo na at ipagpatuloy ang aking expedition patungo sa classroom na hindi ko mahagilap.

Pati 'yong office ng Vice Chancellor on Academics hindi ko mahanap. Anlaki naman kasi ng paaralang ito eh!

Wala 'ring binigay na contact number si Chelsea kay Miss Arandoque. Kanina pa ako nag-text sa babaeng 'yon hindi naman nag-rereply busy na ata sa boypren niya. Tsk!

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon