Chapter Two: Tres Marias.

2.1K 45 0
                                    

Adam’s POV

Maaga akong gumising sa araw na ito. Hindi ko alam bakit pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko everything is in the right place.

Dahan dahan kong minulat ang aking kaliwang mata. Sumunod naman ay dahan dahan ko din minulat ang aking kanang mata XD

Adik lang?

One step at a time ang peg?

Eh bakit ba! Ganyan talaga ako pag gumising sa umaga. Parang gusto kong namnamin ang bagong umaga na pinagkaloob sa akin.

‘Di, hirap lang talaga akong magising sa umaga kasi heavy sleeper talaga ako. (.__.”)

Hahaha! May nalalaman pa akong namnamin ang bagong umaga ah? XD Noong college nga ako eh binansagan ako ng mga kaklase ko na sleepyhead. Sarap kasi talaga matulog, promise!

Noong tuluyan ng namulat ang aking mga mata, tumingin ako sa may bintana.

‘Hmm.. Umuulan pala ng malakas eh kaya pala parang sarap ng tulog at gising ko..’ Napangiti ako.

Hindo ko talaga alam kung bakit pakiramdam ko magiging masaya ako sa araw na ito. Good vibes ika nga.

Teka, bakit parang may naririnig akong music?

Ay galing pala ang tunog sa earphones ko na nakahandusay sa gilid ng aking tenga, natanggal na sa tenga ko. Nakatulugan ko na namang nakikinig ng music pala kagabi lowbat na naman celphone ko nito. Mahilig din kasi ako sa music eh.

Binalik ko ulit ang earphones ko sa aking tenga. Ang tugtog ay Life in Color by OneRepublic, isa sa mga paborito kong banda.

Good morning to wake up + Good music + Cold weather. This is Life!

Haay. Makatulog nga muna ulit.

At ayun, hindi na ako nagpatumpik tumpik pinikit ko ulit ang aking dalawang mata. Kung gaano kabagal ko na namulat ang aking mata sadyang kaybilis naman nung pinikit ko ito.

Parang pag-ibig lang din yan eh.

Kapag sa simula pa lang, dahan-dahan muna. Ninanamnam mo pa ang tamis ng pagbukas ng bagong pag-ibig pero pag natagal at dumadating na ang pagsubok at di na nakayanan, susuko ang isa.

Siyempre susuko na din yung isa, ano pang pinaglalaban niya? Kung wala na naman ‘yong dapat sana kasama niya sa pakikipaglaban.

Kaya magsasara at magsasara din ito ng ganun ganun nalang. Biglang maglalaho sa ere. Ganyan talaga pag nagmahal ka.

Ang bitter ko ba? Hahaha!

‘Aiishh. Ba’t nanaman ba ako napunta sa pag-ibig na yan! Makaidilip na nga lang muna ulit. Kahit mga 5 minutes lang.. Hmm.’

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon