Chapter Four: Genesis 2:4-3:24 "Adam and Eve".

1.5K 41 0
                                    

Adam's POV

Natapos ang misa na ang utak ko ay lumilipad. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang babaeng nakita ko kanina. Parang paulit-ulit na nagflaflashback sa mga mata ko ang kanyang itsura.

Ano ba mata! Unli lang? Paulit-ulit? Bakit ba kasi ako nagkakaganito sa ‘yo?

Napapabuntong hininga nalang ako sa nangyayari sa akin.

Napahawak ako sa aking dibdib. Hanggang ngayon bumibilis pa din ang pagtibok nito. Bakit ba kasi ganito?

In-love na ba ako?

Hindi. Impossible naman ‘yon. Ngayon ko pa nga lang siya nakita eh. Impossible talaga.

Ano bang nangyayari sa akin? Abnormal na nga ata talaga ako. Parang ang bilis naman kung in-love nga talaga ako sa kanya.

Pero paano? Paano nangyari ito?

“Hoy Adam Chrisnina!” Pukaw sa akin ng aking ina. Naputol bigla ang aking pag-iisip.

“Kanina pa ako dito salita ng salita. Hindi ka naman ata nakikinig!”

“Ha? Hindi po Ma ah! Nakikinig po ako sa iyo.”

“Ganun? Bakit hindi ka sumasagot diyan. Sige nga kung nakikinig ka sa akin, ano nga ulit ang sinasabi ko sa ‘yo aber?”

Napalunok naman ako. Ah.. Ano nga ba?

Lagot na naman ako nito! Tss. Bigla namang tumawa si Ate Danna.

“Nakuu. Ma, sigurado ako hindi po ‘yan nakikinig sa ‘yo. Papano eh kanina pa yan parang namamaligno. Nag-iisip na naman ‘yan ng kamanyakan diyan.” Tatawa-tawang sabi ni Ate Danna.

“Hoy ano ka Ate, hindi ah! Kahit kelan hindi ako naging manyak!” Pagtatanggol ko.

“Hindi daw. Eh kanina lang kung makatingin ka naman dun sa babae sa hagdanan para mo na siyang hinuhubaran. Hahahah.”

Kamanyakan nga lang ba ito? Namamanyak nga lang ba talaga ako dahil sa nakita ko kanina?

Siguro nga. Ayoko man sumang-ayon sa salitang manyak. Pero parang ‘yon nalang ang natitira kong dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Hindi. Hindi ako in-love.

Tama nga siguro si Ate Danna. Tawag lang ito ng kamanyakan. Pero bakit…

Aiiish >_<. Ayoko na ngang mag-isip!

“ ’Ta mo na Ma. Hindi na nakasagot eh.”

“ Oh siya siya. Manyak o hindi. Anak ang sabi ko kanina ay dadaan muna kami ni Ate Erin at Ate Danna mo sa kumbento. Kakausapin lang namin saglit si Father tungkol sa nalalapit ng kasal ni Ate Erin mo. Gusto mo ba kako sumama?”

Oo nga pala. Nagbabalak ng magpakasal si Ate Erin at ang nobyo niyang si Kuya Karrim. Simula pa lang high school ay ito na ang naging nobyo ni ate. Ito rin ang kanyang first love.

Akalain mo ‘yon? Antagal na nila. Wala pa kasi si Kuya Karrim dito sa ‘pinas. Kumakayod pa sa trabaho para daw sa future nila ni Ate. Seaman kasi ito pero uuwi din ‘yon para asikasuhin ang kasal nila ni Ate.

“Ay ‘di na po ako sasama Ma. Dito nalang po ako mag-aantay sa labas.” Sagot ko naman kay Mama.

Panigurado kasing mababagot lang naman ako dun. At saka sisimulan ko nalang din kumuha ng pictures dito.

Eve is the Apple of My Eye (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon