CHAPTER 11: CRUSH

109 3 0
                                    

Minz POV

Nasa classroom na kami at as usual, maingay na naman sila. Nagbasa lang ako ng libro at maya-maya lang ay may kumalabit sakin.

Tinignan ko kung sino at bumungad sakin si Jerome. Umupo siya sa desk ni Quichie at nakatingin siya sa akin.

Anong problema nito?

"Sino sila?" Nagtataka ako sa kanyang nakatingin. "Ehh?" Tanong ko. "Yung tatlong babae kanina sa canteen." Napatango-tango ako sa sinabi niya.

Uyy! Curious si koya!

"Bakit mo natanong?"

"W-wala lang."

"Bakit? Type mo isa sa kanila?"

"H-h-hindi noh!" Napatingin samin ang lahat ng bigla siyang sumigaw. Napansin ko ang pamumula ng tenga niya kaya hindi 'ko maiwasang ngumiti.

"Woi! Woi! Woi! Ano yan?!"

"Oo nga!"

"Dumadamoves kaba, Jerome?!"

"Lagot ka, Jerome!"

"Taken na si Minz!"

"Oo nga! Taken na si Minz!"

Ehh?! Ako?? Taken??

"Pinagsasabi niyo mga tukmol?" Taka kong tanong sa kanila. "Eh, taken ka naman na talaga eh." Sabi ni Vance habang masama ang tingin kay Jerome. May pagka-siraulo rin pala 'tong kakambal ni Vince. 

"At kanino naman?"

"Kay Dylan!"

Sabay-sabay nilang sigaw at nanlaki naman ang mata ko. Nalaglag pa nga ang panga ko at tumingin kay Dylan na parang walang pakialam sa sinabi ng mga kapwa niya tukmol. Nagngingitngit ang ngipin ko ng binalik ko ang tingin sa mga tukmol.

"Mga baliw ba kayo?! Yang lalaking yan?! Eh hindi ko nga yan boyfriend at higit sa lahat hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya noh!"

Top of the lungs kong sigaw. Tumawa naman ang mga tukmol at binigyan naman ako ng nakakalokong tingin ni Xymon. "Sus! Baka malaman nalang namin na ikakasal na pala kayo!" Loko niyang sabi na mas lalo kong ikinasama at naghiyahan naman sila.

Confirm! Mga tukmol talaga sila!

"Over my dead gorgeous body! Baka mangyari yang sinasabi mo kapag lumipad na ang baboy." At inikutan ko sila ng mata. Natahimik naman sila kaya napa-smirk ako. Pero bigla akong napa-foker face dahil sa sinabi ni Zack.

"Kung hindi mo gusto si Dylan, ibig sabihin ako ang gusto mo?"

Nabaling ang tingin namin kay Zack at binatukan siya nila Shan. "Aray!" Daing naman niya at napailing nalang ako. Sinamaan nila ng tingin si Zack at napanganga ako dahil sa mga sinabi nila.

"Ako ang gusto ni Minz noh!"

"Anong ikaw?! Ako kaya!"

"Ako ang gwapo dito kaya sa akin may gusto si Minz!"

"Ulol! Ako ang pinakagwapo rito kaya sa akin siya may gusto!"

"Manahimik! Ako ang gusto niya!"

"Anong ikaw?! Ako yon!"

"Pwe! Manahimik kayo! Ako yon!"

"Manahimik kayong mga tukmol kayo!" Sigaw ko at tumahimik naman sila. "Wala akong gusto ni-isa sa inyo, ok?!" Inis na sigaw ko.

Parang mawawalan ako ng boses sa mga tukmol na 'to.

"Wehh?!"

"Oo nga! Kaya magsitigil na kayo!" Sabi ko at bumalik na sa pagkakaupo. Kinuha ko ang headset ko at nagpatugtog nalang.

Shan's POV

Wala kaming ginawa kundi ang mag-ingay at magbatuhan ng papel. Walang teacher na pumunta sa amin at nag-text naman si sir kay Dylan na hindi daw siya makakapasok dahil may sakit daw siya.

Si Minz naman ay nagbasa lang habang nakikinig ng music. Pero kahit nakaheadset siya, alam kong rinig niya parin ang ingay namin.

Maya-maya lang ay may nag-ring kaya napatingin kami kay Dylan dahil ringtone niya ang tumunog.

Tinignan niya iyon at bigla nalang siya naging seryoso matapos basahin ang text.

Kinuha naman ni Vien ang cellphone niya at ganun din ang naging itsura ni Vien.

Sumenyas samin si Vien na pumunta kami sa pwesto nila kaya lumapit kaming lahat maliban kay Minz.

"Ano yon?" Mahinang tanong ni Vance dahil baka marinig kami ni Minz. "Someone text Dylan." Sagot ni Vien ng mahina.

"Sino?"

"That f*cking Lowi."

Nagkatinginan kami dahil sa madiin ngunit mahina na sabi ni Dylan. So si Lowi pala ang nagtext sa kanya at paniguradong nagyaya na naman iyon ng laban.

"Tang*na! Si Harold, binugbog nila!"

Mahinang sigaw ni Xymon. Pinakita niya sa amin ang picture at biglang umitim ang awra namin.

Si Harold ay kaibigan ni Xymon na naging kaibigan narin namin. Badboy rin si Harold sa ibang school.

"Pupunta tayo mamaya?"

Agad na nakatanggap ng batok si Vince sa kakambal niya dahil sa tanong niya.

"Bob* lang kambal?! Malamang sa alamang pupunta tayo!" Mahinang sigaw ni Vance at ngumuso naman ang kakambal niya.

Mga siraulo talaga.

"Mahuhuli tayong umuwi." Sabi ni Vien at tumango nalang kami.  Bumalik na kami sa mga pwesto namin at kinulit ko si Minz.

Gusto ko lang kulitin siya, bakit ba?

"Yow Minz!"

"What?"

"Ayy. Cold yarn?" Biro kong tanong at napatawa naman siya. Tinanggal nuya ang headset niya at tumingin sakin.

"Baliw."

"Baliw sayo." At kinindatan ko pa siya. "Yuck!" Nandidiring sabi niya kaya napanguso ako.

"Sama mo sakin, bebe."

"Bebe mo mukha mo."

"Ouch! It really hurts!" Pagiinarte ko kaya tumawa siya ng malakas.

"HAHAHAHA!"

Napatingin samin ang iba at taka silang nakatingin kay Minz. Hindi naman iyon napansin ni Minz dahil busy lang siya sa kakatawa.

"Anyare kay Minz?"

"Nababaliw naba siya?"

"Tatawag naba ako ng metal?"

"Sinaniban siguro siya."

"Tawag na tayo albularyo."

"Ta*na niyo! Anong nababaliw?! Sinaniban?! Hindi ba pwedeng may nagpatawa lang kaya tumawa ako ng malakas?!"

Kami naman ang tumawa ng malakas dahil namumula ang mukha niya sa galit.

"Sama niyo! Hmp!" Pagtatampo niya kaya nilapitan namin siya maliban kila Dylan at Vien. Niyakap siya nila Quichie at Vince.

"Binibiro kalang namin, ate."

"Oo nga. Wag na tampo."

"Abuching~ Abuching~"

"Raulo! Ginawa akong sanggol eh noh?!" Sabi ni Minz kay Kai dahil sa ginawa niya. Natawa naman kaming lahat.

Maya-maya ay tumunog na ang bell hudyat na uwian na namin. Inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na.

Sabay-sabay kaming naglakad papuntang parking lot pero pinauna muna namin na umuwi si Minz.

"Byebye!"

"Bye Minz! Ingat ka!"

Pagka-alis ni Minz ay sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan at pinaandar na iyon papunta sa lungga nila Lowi.

Mukhang may mababasag na bungo ngayon.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now