CHAPTER 30: SHAN IS MISSING

131 4 0
                                        

Minz POV

Lunes nanaman at may pasok nanaman. Maaga akong nagising at nagluto. 5:19 palang ng umaga kaya tulog pa sila kuya at Mina.

Pagkatapos kong magluto ay naligo muna at nagbihis ng uniform. Ginising ko na si Mina dahil may pasok rin siya sa school.

‘”Mina baby, wake up na.’”

Nagising naman siya kaagad at kinusot-kusot muna niya ang kanyang mata. “Good morning, Mommy.” Cute niyang pagbati at hinalikan ko naman siya sa pisngi.

Tumayo na siya sa pagkakahiga at lumabas na ng kwarto. Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ni kuya at kinatok ang pinto.

“Kuya, wake up! You said you will go to the company today!”

Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto ng kawarto ni kuya at lumabas na siya. Halatadong kakagising lang ni kuya pero ang gwapo parin niyang tignan.

Iba talaga ang karisma namin ni kuya.

“Did you cook?” Kuya asked. “Yeah. Maaga kase akong nagising.” Sagot ko at tumango lamang si kuya. Nagsikain na kami at pagkatapos naming kumain ay naligo na sila kuya habang ako ay naghugas ng plato.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay bumalik ako sa kwarto at nakita kong nagbibihis na ng uniform si Mina. Tinulungan ko siyang mag-ayos at sinuklay ko rin ang kanyang buhok.

Pagkatapos ko siyang ayusan ay kinuha niya na ang bag niya at lumabas na ng kwarto para magsuot ng sapatos. Ako naman ang sunod na nag-ayos. Nagmake-up ako at tinali yung buhok ko.

Ganda ko talaga.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Nakita kong nakaupo sa sofa si Mina samantalang si kuya ay busy na inaayos ang necktie niya.

Gusto niyo kayo nalang mag-ayos sa necktie ni kuya? Charot!

Kinuha ko na ang black heels ko at sinuot na iyon. “Tara na?” Pagkuha ko ng atensyon nila at tumango naman silang dalawa. Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa aming mga kotse.

Si kuya ang maghahatid kay Mina sa school niya kaya sumakay na silang dalawa sa kotse ni kuya na Ferrari. Sumakay narin ako sa kotse kong Lamborghini pagkatapos ay nauna muna sila kuya na lumabas bago ako at sabay na kaming nag-drive paalis.

Pagkarating ko sa school ay agad kong pinark ang kotse ko at bumaba. Naglakad na ako sa hallway papunta sa classroom namin at buti nalang ay hindi na sila bagbubulungan kapag dumarating o dumadaan ako.

Nagsawa na ata kaka-backstab sa’kin.

Pagkarating ko sa room ay agad ko silang binati at umupo sa aking upuan. Medyo nagtataka lang ako dahil parang ang tahimik nila ngayon. Nilabas ko na ang notebook ko upang mag-take notes sa History subject namin.

Humarap ako kay Quichie upang hiramin ang notes niya ngunit para siyang tangang nakatulala sa harapan.

May mali talaga eh.

“Chie.”

“Quichie.”

“Uyy, Chie.”

“Quichie!”

“Ano ba, Quichie De Luna!”

Napatayo na ako sa inis. Lahat sila ay nagulat sa sigaw ko at si Quichie naman ay nalaglag pa sa upuan niya. Gulat na gulat siyang nakatingin sa’kin na para bang sinampal ko siya.

Unting-unti nalang masasampal ko na din talaga siya sa inis.

“Ano bang problema, huh?! Kanina ka pa tulala simula nung dumating ako dito. Kahit kayo, napakatahimik ninyo! Ano bang nangyayari?!”

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now