CHAPTER 32: I'LL KILL YOU, KHYM

85 1 0
                                        

Michael POV

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit. Kahit na medyo nahihilo ako ay umupo ako mula sa pagkakahiga at hinilot ang aking sentido.

"A-Anong nangyari kagabi?"

Halos pabulong kong tanong sa aking sarili. Ipinikit ko muli ang aking mata at dahan-dahang dumilat. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Wala ako sa bar o sa hotel, sure akong nasa bahay ako dahil sa ayos at itsura ng kwarto na 'to.

Naalala ko na may dalawang lalaking lumapit samin ni Kai sa bar at binigyan kami nang baso ng alak. Pagkatapos non ay niyaya nila kaming pumunta sa dance floor para sumayaw.

Naalala ko rin na hinawakan at hinipuan kami nang mga lalaking kasayaw namin sa maselang bahagi namin ni Kai.

Umiwas kami non sa kanila ngunit hinawakan nila ang braso namin at hinila sa tagong lugar ng bar. Sa cr yung lugar na yon. Hanggang duon lang ang naalala ko kaya napakunot ang noo ko.

Ano pa yung mga nangyari kagabi?

Nagalaw kaya 'ulit' kami ni Kai?

Tumayo na ako sa kama at muntikan pa akong matumba. Nakahawak ako sa may study table ko at umiling ng kaunti para mawala ang pagkahilo ko.

Dahan-dahan lang ako naglakad hanggang sa makarating ako sa pinto. Pinihit ko ang doorknob at lumabas na.

"Oh, gising ka na pala, Chael. Kakatokin ko sana pinto mo eh."

Hinatak ako ni Demonica papunta sa lamesa. Nakaupo na rin si Kai habang hinihilot ang kanyang ulo.

Umupo na rin ako at uminom ng kape. "Anong nangyari kagabi?" Tanong ni Kai kila Lyra. Nagkatinginan silang dalawa ni Lyra at Demonica.

"Hindi niyo maalala?"

Kami naman ngayon ang nagkatitigan ni Kai at sabay na umiling. "Mabuti naman." Bulong ni Demonica ngunit narinig ko pa rin.

"Anong 'mabuti naman'? Ano ba talagang nangyari kagabi?"

Umiwas ng tingin sa'kin si Demonica at sumandok ng kanin. "Muntikan na kayong magalaw 'ulit' kagabi kung wala lang tumulong sa inyo." Sambit ni Demonica.

Huh? Tumulong?

"Anong ibig mong sabihin? Ang naaalala ko lang kase, may dalawang lalaki na nagpupumilit na umano samin tapos may humila dun sa lalaki na ano sa'kin pero hindi ko maalala yung mukha."

Kunot-noong kwento ni Kai at halata sa kanyang itsura na pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. "Huwag niyo nang alalahanin yon. Ang mahalaga, walang masamang nangyari sa inyo kagabi." Pagtatapos ni Lyra sa usapan.

Tumahimik nalang kami ni Kai at nagsimula na kaming kumain. "Oo nga pala, huwag na kayong babalik sa letseng bar na yon. Tumigil na kayo sa pagtra-trabaho don." Biglang sambit ni Demonica kaya't napatigil kami sa pagsubo ng kanin ni Kai.

"Ano? Alam niyong hindi kami pwedeng mag-resign don."

"May company na naghi-hire sa mga gustong magpart-time student para duon magtrabaho."

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nitong si Demonica. Nahalataan niya siguro ang mukha namin ni Kai na nagtataka kaya tumayo siya at may kinuhang navy blue envelope.

Ibinigay niya sa'kin yon kaya kinuha ko iyon at binuksan. Kinuha ko ang papel na nasa loob at binasa ang nakasulat.

'HIRING FOR A PART-TIMER STUDENTS'
R.M.R Corporation hiring some students who wants to have a part-time job. Here's the requirements that you need to bring.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now