CHAPTER 1:NEW CLASSMATE

227 6 1
                                    

Zack POV

Sumakay na ako ng kotse at pinaandar para pumunta na ako sa school. Habang nagdra-drive ako ay nagpatugtog ako. Pagkarating ko sa school ay pi-nark kona ang kotse ko at bumaba na. Sinuot ko muna ang headset ko at pa-cool kung maglakad.

Nasa third floor na ako ng bigla akong napahinto sa paglalakad ng may mabangga ako. Isang babaeng nerd ang nabangga ko at nalaglag pa ang mga librong dala-dala niya kaya lumuhod ako at tinulungan siyang kunin ang libro.

"I'm sorry miss." Sabi ko nang tapos na naming pulutin ang libro. "O-ok lang yon. Salamat." Sabi niya at umalis na sa harapan ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtuloy nalang ako sa paglalakad.

Nang makapasok na ako sa classroom ay agad kaming nagbatian. "Oyy dude." Bati sa akin ni Xyron. "Dude." Bati ko rin sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas at pumasok na si Vien. Habang naglalakad siya papunta sa upuan niya ay tahimik lang ang lahat. Nang makaupo na siya ay lumapit kaming lahat sa pwesto niya.

"Kailan daw balik ni Dylan?" Tanong ni Michael. "Maybe tomorrow." Sagot ni Vien. "Kailan daw natin babalikan?" Tanong naman ni Kitchie. "Sasabihin niya kung kailan kapag nakabalik na daw siya dito." Sagot ulit ni Vien. Bumalik na kami sa mga upuan namin at pumasok na si sir Grabo.

"Good morning." Bati ni sir pero ni-isa ay walang pumansin. Nag-ingay nalang sila kaya napailing-iling nalang si sir. Nag-usap nalang kami ni Michael nang kung ano-ano.

"Class quiet! You have a new classmate." Sabi ni sir Grabo kaya nagsitigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. "Pumasok kana." Agad kaming tumingin sa pintuan at inaabangan ang papasok.

Akala naming lahat ay lalaki ang bago naming ka-klase pero hindi. Isang babae. Isang babaeng nerd. Dahan-dahan siyang humarap sa amin at ngumiti ng kaunti.

Sakto lang ang height niya, straight ang buhok, kulay brown ang buhok, hanggang balikat lang ang buhok, mukhang matalino, morena, nakasalamin at naka-brace.

Siya yung nabangga ko kanina ah!

"Introduce yourself." Sabi ni sir kaya tumikhim muna siya bago nagsalita. "Hi! I'm Minz Ramos but you can call me Minz for short. I'm 18 years old and i hope that we're all can be friends." Pagpapakilala niya sa sarili niya at ngumiti. Ilang minuto na tahimik ang lahat hanggang sa isa-isa silang umangal.

"Hindi pwede ang bababe dito!"

"Mas lalo na ang nerd!"

"Umalis kana dito nerd!"

"Oo nga!"

"Shoo! Shoo!"

"Quiet! Weather you like it or not, she will be your classmate!" Sigaw ni sir kaya natahimik ang lahat. "Maupo kana Ms. Ramos." Agad namang sinunod ng nerd yung sinabi ni sir kaya lumakad siya sa harapan at umupo.

Sa harapan nalang kase ang may bakanteng upuan dahil nasa likod at mga gilid kaming lahat nakaupo.

Dito sa Section Ruby, Lahat kami ay lalaki. Yup, 15 kaming lalaki sa classroom natoh. Kahit isang babae ay wala. Dati may naging ka-klase kaming babae pero wala na siya sa section namin ngayon. Let's say na... Pumunt na siya sa ibang bansa pagkatapos ng ginawa niya sa amin. At kaming lahat ay may galit sa kanya.

"Oo nga pala, kailan ang balik ni Mr. Smith dito?" Tanong ni sir. "He said, maybe tomorrow." Sagot ni Vien. "Magaling naba ang mga sugat niya?" Tanong ulit ni sir. "I don't know. He didn't say to us if his wounds are now fine." Sagot ni Vien. Napatango-tango nalang si sir at nag-umpisa nang mag-discuss.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now