Vien POV
Today is our Intramurals. Vance is now good but still has a bruises on his face. I remembered when Vince was so mad because on his twin brother’s condition.
Flashback
“Tangina, bitawan niyo ako! Mga gago yung gumawa nito sa kambal ko!”
Hawak-hawak namin si Vince at pinipilit na hilain siya. Pagkaalis nila Minz at Kean sa classroom ay may dumating sa room namin at sinabing nakita raw niya si Vance.
Agad kaming tumakbo at sinundan ang lalaki ng taga-section Kryptonite. Umabot kami sa likod ng school at nakita namin si Vince na nakahandusay sa sahig.
“Vince!”
Agad kaming lumapit sa kanya at hinawakan ko kaagad ang kanyang pulso. “K-Kambal… Tangina!” Galit na sambit ni Vince.
“Lets bring him to the hospital!”
Agad na naming binuhat si Vance at nagmamadaling naglakad papuntang parking lot. Sinakay namin siya sa passenger set ng kotse ni Dylan.
Agad na pinaandar ni Dylan ang makina ng kanyang kotse at nag-drive. Mabilis na nag-drive si Dylan kaya mabilis lang kami nakarating sa hospital.
Bumaba kami kaagad at binuhat si Vance papasok sa ospital. “Tulong! Tulong! Yung kakambal ko, binugbog!” Malakas na sigaw ni Vince.
Halos lahat ng tao dito sa loob ay napapatingin samin. Mabuti na lamang ay may lumapit samin kaagad na doktor at tinignan ang kalagayan ni Vance.
“Masyado siyang nabugbog. Kailangan na magamot ang mga sugat niya at mai-check kung may nabali sa kanyang mga buto. Kailangan din i-check ang kanyang ulo dahil baka natamaan din ito.”
Mabilis na nilagay namin si Vance sa isang kama at inihiga ito ng maayos. Tinignan ng doktor ang kanyang mata, mga sugat at pasa.
May mga nurse namang chini-check ang vitals sign ni Vance. Sinimulan ng gamutin ng doktor ang mga sugat ni Vance. Nanonood lang kami sa ginagawa niya.
“Sugat, pasa, at bugbog ang inabot ng pasyente. Mabuti nalang at walang napuruhan sa katawan niya gayun din ang kanyang ulo. Nawalan lang siya ng malay dahil sa pagkabugbog sa kanya pero magigising pa rin naman siya. Kailangan niya lang magpahinga upang mabawi niya ang kanyang lakas.”
“Maraming salamat po, doc.”
Sambit namin at sakto rin na tapos na niyang gamutin ang mga sugat ni Vance. “Mauna na muna ako. May mga pasyente pa akong kailangang asikasuhin.” Paalam ni doc kaya tumango kaming lahat.
Umupo kami sa gilid at piagmamasdan ang natutulog na si Vance. Napahilamos ako sa mukha bago tinignan si Vince.
Nakayukom ang kanyang dalawang kamao at kita rin sa kanyang mata ang galit. Galit sa mga bumugbog sa kakambal niya.
“Tangina nila. Bugbog-sarado yung kakambal ko.”
Pumiyok ang boses ni Vince dahil hindi na napigilan nang kanyang luha na pumatak. Agad niya itong pinunasan at tumingin sa malayo.
“Hahanapin natin sila. Hindi natin hahayaan ang gumawa nito kay Vance.” Sambit ni Shan habang pinapakalma si Vince.
“We will hunt them.”
Malamig na sambit ni Dylan kaya natahimik kaming lahat. Bumili muna si ni Zack ng pagkain at kami namang naiwan ay binabantayan si Vance.
Mga ilang oras lang ang lumipas ay nagising na si Vance kaya agad nila siyang tinanong kung sino ang may gawa sa kanya non at nagulat kami sa naging sagot niya.
YOU ARE READING
The Nerd Girl 'Secrets' (On-going)
Misterio / SuspensoShe known as a 'Nerd'. She's the nerd who came in section Ruby. She's the nerd who make section Ruby happy. She's the nerd that always section Ruby protect. She's the nerd that section Ruby treat her like a moon. She's the nerd that section Ruby's l...
