CHAPTER 25: ARRANGING THE BOOTH

134 5 0
                                        

Minz POV

It's Monday! Ngayong araw na ang umpisa ng paga-ayos namin ng booth. Nagpaalam na ako kila kuya na papasok na ako bago lumabas at sumakay sa motor ko.

Nagdrive na ako papunta sa school at pagkarating ko sa school ay pinarada ko na ang motor ko at bumaba.

Sling bag lang ang dinala ko ngayon dahil wala naman kaming klase.

Pagkarating ko sa classroom namin ay nakita ko silang lahat pati na rin si Khym.

Pumasok na ako at pumunta sa upuan ko. Binati nila ako kaya binati ko rin sila pabalik.

"Anteh, anong una nating gagawin ngayon?"

Tinignan ko si Kai sa tanong niya sa akin. "Hmm... Siguro yung banner muna natin." Sagot ko at tumango naman siya.

"Michael!"

"Ano?"

Sagot niya habang ngumunguya ng tinapay. Napangiwi ako sa kanya habang pinapanood siyang kumain.

"Maganda sulat mo, Chael. Ikaw nalang mag-lettering."

"Ehh?! Ayoko!"

"Dali na!"

"Ayaw!"

Agad ko siyang tinaliman ng tingin kaya napalunok siya at dahan-dahang tumango.

"S-sabi ko nga. Ako na magle-lettering hehehe."

Napangiti ako sa sinabi niya at tumawa naman ang iba. Tawa-tawa pa, eh may mga gagawin din naman sila.

"Kayo rin. Kunin niyo yung mga cartolina na kulay pula, light blue at puti. Pagkatapos lettering-an ni Chael yon, gupintin niyo."

Napatigil sila kaagad sa pagtawa at tumingin sa'kin. Tinaasan ko sila ng kilay kaya napa-iling nalang sila.

"Yes po, ma'am."

"Opo."

"Masusunod po, mahal na reyna."

Napa-hagikgik ako sa mga sagot nila. Pero natigilan ako sa paghagikgik at biglang napatingin kay Khym ng magsalita siya.

"Tutulungan ko kayo."

Mahinhin niyang pagkasabi habang nakangiti. Biglang napangiwi ako ng kaunti dahil hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa niya sa'kin.

Bait-baitan pang nalalaman.

"Sige! Tara na. Umpisahan na natin ang paggawa."

Nag-umpisa na silang gawin ang banner habang ako, si Tristan, Zack, Shan, Vien, Vance, Kean, Jerome at Dylan ay sa designs.

Ang mga cartolina na gagamitin namin sa pag-design ay yung kulay light pink at green. Ginawa naming bulaklak ang mga ito.

"Gagawin bang shadow itong white cartolina sa mga letters?"

Napatingin ako sa pwesto nila Chael at tumango. Tumango din siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Inabot din kami ng ilang oras bago matapos sa mga gawain namin.

"Argh! May back hurts." Sabi ni Dylan at nag-unat. "Sakit ng kamay ko." Sabi naman ni Vien at binukas-sara ang kanyang kamay.

Tumayo ako at nag-unat bago lumapit sa pwesto nila Chael. Pagkarating ko sa pwesto nila ay nakita kong dinidikit na nila sa white cartolina yung mga letterings nila.

"Ganda!"

Napatingin sila sa'kin kaya ngumiti ako sa kanila. "Hindi pa nga tapos eh." Sabi ni Chael habang tutok na tutok sa kanyang ginagawa.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now