Quichie's POV
Nandito kami sa labas ng school at kumakain ng tusok-tusok. Inaantay kase namin sila ate Minz na makabalik dito dahil sabay-sabay kaming uuwi.
Ang tagal nila ate!
"Ang tagal naman nila!" Reklamo ni Kai. "Baka naman pabalik na rin yon silang dalawa dito." Sagot naman ni Demonica.
"Baka naman nag-eenjoy pa sa date nila."
Lahat kami ay napatingin kay Zack na tamang inom lang ng palamig. Sinulyapan ko si Dylan at halatang hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig.
Simula nung umalis silang dalawa ni ate Minz, hindi na siya umiimik at laging masama ang kanyang awra gaya na lamang ngayon.
Siraulong Zack.
Agad siyang binatukan ni Xymon at pinandilatan ng mata. "Gago, bunganga mo walang preno." Mahinang saway ni Shan sa kanya.
"Ano ba?! Eh di'ba nga nag-date sila? Malay niyo, nagkagustuhan na pala sila." Hirit naman ni Zack.
Patay kang bata ka!
Nanlaki ang mata namin at dahan-dahang lumingon kay Dylan. Biglang tumiim ang kanyang bagang at mas lalong sumama ang kanyang awra.
"Edi magkagustuhan silang dalawa. Magsama pa sila." Malamig na sambit ni Dylan.
Napalunok kami at pinanlakihan ng mata si Zack. "Putangina ka talaga! Manahimik ka na nga lang!" Natatarantang sambit ni Blade bago isinubo ang isang buong kwek-kwek kay Zack.
Agad naman itong nabilaukan kaya binigyan siya ni Chris ng palamig at tinapik-tapik ang likod.
"Sagot ko na ang tinapay, dude." Malumanay na sabi ni Chris. Iniwas ko ang tingin sa kanila at pinigilang tumawa.
Ako na bahala sa kape.
Maya-maya lang ay nakita na namin sila ate na naglalakad habang nagtatawanan silang dalawa.
Hala ka.
Kitang-kita pa namin ang paghampas ni ate sa braso ni Vien habang si Vien naman ay tawa lang ng tawa.
Lagot na talaga kayong dalawa.
"Ate Minz!"
Napahinto sila sa paglalakad at napatingin samin. Ngumiti at kumaway samin si ate bago lumapit sa amin.
"Tapos na ang laro?"
"Oo, Minz. Tapos na. Bukas na naman." Sagot ni Shan. "Sayang, hindi kami nakapanood ng mga laro niyo. Babawi nalang kami bukas." Sambit ni ate.
"Paano niyo mapapanood eh busy kayo sa 'date' niyo?" Sarkastikong tanong ni Dylan.
Pansin ko ang biglang pagkunot ng noo ni ate habang nakatingin kay Dylan. "Problema mo?" Tanong ni ate sa kanya.
Suminghal lang si Dylan at nilagok ang palamig sa plastic cup niya. Tinignan ako ni ate kaya agad akong umiling.
Kunwari hindi ko alam.
"Saan kayo nag-date, Mars?" Tanong ni Sunny para bumaba ang tensyon.
"Dyan lang sa ice cream shop."
"Ice cream shop? So cheap."
Rinig kong bulong ni Dylan. Grabe ang pagpipigil ko ng tawa dahil sa pagiging seloso nitong ni Dylan.
Porket mayaman siya at afford ang mga 5 stars restaurant. Kahit siguro dalhin niya sa ibang bansa si ate para lang mag-date silang dalawa eh walang problema sa kanya.
YOU ARE READING
The Nerd Girl 'Secrets' (On-going)
Misteri / ThrillerShe known as a 'Nerd'. She's the nerd who came in section Ruby. She's the nerd who make section Ruby happy. She's the nerd that always section Ruby protect. She's the nerd that section Ruby treat her like a moon. She's the nerd that section Ruby's l...
