CHAPTER 19: MAKING PROJECT SLASH BONDING

86 2 0
                                    

Vince POV

Maraming salamat otor dahil may POV narin ako. Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin at may tumawag sa akin.

"Vince!"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sakin. Bigla akong napangiti ng tumatakbo siya palapit sakin habang kumakaway.

Ganda talaga ni crush!

"Vince, hindi kapa pumupunta sa classroom niyo?" Tanong niya sa akin. "Hindi pa. Bakit?" Nakangiti kong tanong.

"Papatulong sana kasi ako. Pinapapunta kasi ako ni Mrs. Domagoso sa Section Diamond na kunin yung mga libro duon."

"Sige! Tara na." Yaya ko sa kanya. Ngumiti naman siya na ikinapula ng tenga ko.

Sh*t! Kinikilig ako!

"Salamat, Vince!" Masaya niyang pagpapasalamat. "Wala yon, Sunny." At kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang pangiti ng todo.

Naglakad na kami papuntang Section Diamond at kinuha na ang mga libro. Pumunta na kami sa classroom nila at inilagay sa lapag ang mga libro.

"Thankyou, Vince ah!"

"Wala yun! Sige na, punta na'ko sa classroom." Pagpapaalam ko sa kanya at nakangiting pumasok sa classroom namin.

Hayst... Ang saya ko talaga!


Minz POV

Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Vince na nakangiti at tumatalon-talon pa.

Anong nakain nito?

Kahit ang mga ugok ay napatigil sa kanilang ginagawa at sinusundan ng tingin si Vince na tumatalon papunta sa upuan niya.

Inlababo kaya 'tong ugok na'to?

Nang makaupo na siya ay ipinatong niya ang dalawang siko niya sa desk at ipinatong naman niya ang baba niya sa kamay niya.

Nag-daydream pa nga.

Takang nilapitan ni Vance ang kayang kakambal at inalog ng kaunti ang balikat nito.

"Kambal, anyare sa'yo at mukhang napakasaya mo ata?" Tanong niya at mas lalong lumapad ang ngiti nito.

Loh?

"Eh kase, kambal..." Kinikilig na sabi ni Vince at pumapadyak pa. "Gag* kambal. Umayos ka kung ayaw mong batukan kita dyan." Banta ni Vance kaya umayos si Vince.

Pfft...

"Kambal, tinulungan ko si crush kanina." At parang naging bulate na naman siya.

Wait, what?!

"May crush ka?!"

Sabay-sabay naming sigaw at tumayo pa talaga ako sa gulat. "Ahihihi! Meron!" Kinikilig na sabi niya kaya napanganga kami.

Grabe 'tong Vince na'to.

"At sino naman crush mo?" Tanong ni Quichie habang nakakunot noo.

"Si Sunny."

"Huwattt?!"

Gulat na gulat naming tanong. Si Sunny?! Seryoso siya?! Tinignan ko siya ng maigi at talagng totoo nga ang sinasabi niya.

Tinamaan na ang isa sa mga ugok.

"Kambal, seryoso ka?!"

"Oo nga Vince!"

"Yung isa sa mga kaibigan pa ni Minz ang natipuhan mo ah!"

Tanong at asar sa kanya ng mga ugok. "Teka nga, teka nga! Vince, walang halong joke? Talagang seryoso ka?" Tanong ko sa kanya at tumango siya ng sunod-sunod.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now