CHAPTER 27: DECORATIONS FOR BOOTH

115 2 0
                                        

Vance POV

"Kambal, bilis!"

"Eto na, wait!"

Nandito na kase ako sa kotse ko at inaantay ang ka-kambal ko dahil nagsasapatos pa siya.

Actually ganito kami lagi.

"Eto na." At sumakay na siya sa shotgun seat. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at nagdrive na papuntang school.

Wednesday ngayon at last day na ng paga-ayos namin ng booth.

Pagkarating namin sa school ay pinarada ko na ang kotse at bumaba na kami ni kambal. Naglakad na kami papunta sa pwesto ng booth namin.

Pero nagulat kaming dalawa sa nadatnan naming eksena sa booth.

Anyare sa kanilang dalawa?

"Hindi nga kase ganyan!"

"Ganito nga kase!"

"Mas maganda 'to tignan kesa jan!"

"Mas maganda 'to!"

Yan ang naabutan naming eksena ngayon ni kambal. "Anong pinagtatalunan nila Minz at Khym?" Tanong ni kambal.

"Ewan ko. Tara, lapit tayo kila Dylan."

Lumapit kaming dalawa sa pwesto nila Dylan. Pinanonood lang kase nilang magtalo ang dalawa.

"Boss, anong pinagtatalunan nila?"

Tanong ko kay Dylan. Bumuntong hininga siya. "Pinaga-awayan nila ang decorations para sa booth." Mahinahong sagot niya.

Huh? Ano daw?

"Eh di'ba nakaplano na yun?" Tanong ng kambal ko. Kahit ako ay nagtataka rin dahil tapos na kaming magplano sa magiging ayos ng booth namin.

"Ayun na nga eh, nakaplano na nga pero itong si Khym kase pinipilit din yung kanya. Wala naman daw problema kay Minz kung may babaguhin ng kaunti, pero ang gusto kase ni Khym eh palitan lahat."

Napaawang ang labi ko. Parang medyo naguluhan ako sa sinabi ni Vien.

Gustong palitan ni Khym lahat?

"Nakaplano na nga kase yung ayos ng booth."

"Kaya nga babaguhin eh."

"At bakit babaguhin eh lahat kami nagplano non? Yung plano mo lang naman gusto mong masunod. Pa'no naman yung amin?"

"Ikaw lang nagplano."

"Anong ako? Aba't! Hindi ka ba nakakaintindi?!"

"Masyado ka kaseng desisyon!"

"Ikaw ang pala-desisyon! Ni-hindi mo nga sila tinanong kung payag sila sa gusto mo eh!"

Tahimik.

Tahimik kaming nanonood sa kanilang dalawa. Kitang-kita ko ang pagka-inis sa mukha ni Minz. Kahit si Khym ay masama ring nakatingin kay Khym.

Teka, akala ko mahinhin siya?

Kunot noo akong nakatingin kay Khym. Para kasing ibang tao siya ngayon. Parang hindi siya yung Khym na mahinhin.

Posible kayang...

"Gawin mo kung ano yung gusto mo."

At umalis na si Minz. Sinundan namin siya papuntang classroom. Nakasilip lang kami sa pinto at bintana at pinapanood lang ang kilos niya.

Baka samin pa siya magalit eh.

Kinuha niya ang tumbler niya sa kanyang bag at uminom ng tubig. Pagkatapos niyang uminom ay pumikit siya at huminga ng malalim.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now