CHAPTER 35: PLAYGROUND

81 2 0
                                        

Kean POV

Nandito kami ngayon sa soccer field para panoorin sila Chris na maglaro. Kalaban nila ang section Rosemary dahil sila ang nanalo laban sa limang section.

Win or lose ang laban ngayon.

Nagwa-warm up pa sila ngayon at nagre-ready dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang laban nila.

Kanina ko pa talaga napapasin ang tamlay nitong katabi ko.

Siniko ko ang braso niya kaya napatingin siya sa'kin. "Anyare sa'yo?" Bulong kong tanong.

Bumuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa field. "Masakit lang ulo ko." Mahina niyang sambit.

"May iniisip ka 'no?"

"Hmm. Mamaya na." Sagot niya kaya tumango ako at inayos ang upo ko. Lumabas na ang mc at ang referee kaya umayos na ang lahat.

"Good morning, students! Are you ready for the Do or 'Die Game' in soccer?!"

Naghiyawan ang lahat ng tao kasama na ang section namin.

"Yessssss!"

"Simulan naaaaa!"

"Rosemary for the win!"

"Ruby mananalo!"

"Go Rosemary!"

"Go Rubians!"

"Rosemary! Rosemary!"

"Ruby! Ruby! Ruby!"

"Mukhang magiging mainit ang laban ngayon! Umpisahan na natin ang laro!" Sigaw ng mc kaya pumunta sa gitna ang referee at tinawag ang mga players.

Nasa magkabilang gilid ang magkalabang team at pumesto. Nilagay ng referee sa gitna ang bola kaya't humanda na ang mga nasa harapan.

Binagsak ng referee ang kanyang kanang kamay kasabay ng pagpito niya kaya't mabilis na inagaw ng section Rosemary ang bola.

"Waah!"

"Yes!"

"Yun oh!"

"Go Rosemary!"

"Ano ba yan!"

"Agawin niyo, Ruby!"

"Go Ruby!"

"Ruby! Ruby!"

Sigaw ng lahat. Minz was still quite while watching the game. Palagi nga siyang kinukulit nila Quichie at Demonica but still no response pa rin si Minz sa kanila.

Problemado ata ang anteh niyo.

Sabagay, sino din naman ang hindi mamo-mroblema kung may dalawang lalaki ang nag-confess sayo sa iisang araw lang?

Sanaol nalang di'ba?

Palagi ring bumubuntong hininga si Minz na tila'y pasan-pasan niya ang langit at lupa. Tinapik ko nalang ang balikat niya at bumulong.

"Putulin ko na ba buhok mo?"

Agad niya akong sinamaan ng tingin kaya tumawa ako. "Huwag mo nang isipin yon. Sadyang gusto lang talaga nilang mag-confess." Sambit ko.

"Gustong mag-confess? Sa iisang araw lang?"

"'Di mo sure. Malay mo, may hahabol pa ngayon." Bulong ko. "Anong sabi mo?" Tanong niya.

"Ang sabi ko, ang ganda mo kase. Share your kagandahan naman, girl!"

Nginiwian niya ako at siniko ang tagiliran ko. Natapos na ang laro at panalo ang Rosemary. Nakabusangot silang lumapit samin kaya tinapik-tapik namin ang balikat nila.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now