CHAPTER 29: LAST DAY OF SCHOOL FEST

121 2 0
                                        

Minz POV

It’s the last day of school fest! Maaga akong nagising at nag-ayos. Nakasuot ako ngayon ng korean dress na kulay violet na may black sa bawat dulo nito.

Tinali ko ang buhok ko na half pony tail at nilagyan ng ribbon na ipit. Naglagay din ako ng light make up at pagkatapos ay inayos ang shoulder bag ko.

“Mommy! What should I wear? This pink dress or this yellow dress?”

Tinignan ko ang anak ko at hawak-hawak niya ang dalawang dress niya. Napangiti ako sa tanong niya bago siya sinagot.

“The pink one, sweetie.”

“Ohh, thanks, mommy!”

And after that, she go to the bathroom habang dala-dala ang pink dress niya. Umupo muna ako sa kama upang antayin siyang matapos sa pagbihis at ayusan na siya.

Pagkalabas niya ng banyo ay agad siyang lumapit sa’kin kaya sinuklayan ko na ang buhok niya.

“What hairstyle do you want, sweetie?”

“Kahit ano po, mommy. Basta babagay po sa suot ko.”

Napatawa ako ng mahina sa sagot niya. Kapag magpapatali kase siya ng buhok ay talagang binabagay niya ang ayos ng buhok niya sa suot niya.

But she looks cute on that.

Hinati ko muna ang buhok niya bago tinirintas. Kinuha ko ang headband niya na ang design ay parang diamond.

Isinuot ko iyon sa kanya at tinignan ang itsura niya. “Perfect.” Pagkatapos ko siyang ayusan ay lumapit siya sa salamin at tinignan ang sarili niya.

“I looked pretty like you, mommy!”

“Yes you are, sweetie.” Natatawa kong saad sa kanya. Inaya ko na siyang lumabas kaya pagkalabas namin ng kwarto ay nakita ko si kuya na sinusuot ang maong niyang jacket.

Halos sabay lang din samin si kuya lumabas sa kanyang kwarto. Tinignan ko ang outfit ni kuya at infernes, gwapo ni kuya sa OOTD niya.

Naka-tshirt kase siya na kulay puti, naka-jacket ng maong at naka-pantalon. White shoes din ang suot niya.

Lakas maka-gwapings ni kuya sa ayusan niya.

“Taray ni kuya oh! Gwapo yarn?”

Tumingin samin si kuya at ngumisi ng mayabang. “Syempre naman! Nauso kase ang salitang gwapo nung ipinanganak ako ni mommy.” Mahangin na sabi ni kuya dahilan upang umirap ako.

Kaya minsan, ayoko siyang i-compliment eh.

“Lumaki na naman ang ulo ni kuya.”

Tumawa si Mina sa sinabi ko. “Mommy, hayaan mo nalang po si tito. Totoo din naman po kase na gwapo si tito.” Mas lalong lumaki ang ngiti ni kuya sa sinabi ni Mina.

“Oh, di’ba? Bata na ang nagsabi. Tsaka ang bata, hinding-hindi nagsisinungaling.”

“Oo na lang. Tara na nga! Baka mas lalong humangin dito eh.”

Tumawa silang dalawa at lumabas na kami ng bahay. Si kuya ang nagdrive ng kotse, ako ay nasa shotgun seat at ang anak ko naman ay nasa likod nakaupo.

Pagkarating namin sa school ay agad na pinark ni kuya ang sasakyan kaya’t bumaba na kami ng anak ko.

Sabay kaming tatlo na pumunta sa booth namin. Pagkarating namin sa booth ay agad nila kaming binati at tumakbo naman itong anak ko sa kanila.

“Hello po mga kuya!”

Bati ng anak ko sa kanila. Binati rin naman nila pabalik ang aking anak.

“Hi, Mina!”

“Hello, pretty!”

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now