Minz's POV
It's Wednesday at may quiz din kami sa isang subject namin ngayon. Habang kumakain kami nila kuya ay binabasa ko ang mga notes ko.
Thanks to Blade and Quichie.
Palagi kasing may notes ang dalawang yon kahit na hindi masyadong nagka-klase ang mga teachers namin.
Yun pala, naga-advance study ang dalawa.
"Minz, nagawa mo ba ang sinabi ko?"
Napatingin ako kay kuya at tumango. Ibinalik ko ang tingin ko sa notes ko bago sumagot.
"Oo, kuya. Pero naiilang ako. Hindi ako sanay."
"Hayaan mo na lang. Galingan mo sa school at sa trabaho mo."
Muli akong tumango at tinuloy na ang pagre-review. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa sasakyan namin.
"Goodbye, mommy! Goodluck din po!"
"Goodbye too, sweetie! Goodluck sa school."
Kiniss ko muna si Mina sa pisngi at ganun din kay kuya. "Ingat kayo, kuya." Sambit ko. "Ingat ka rin." Sabi ni kuya at niyakap ako.
Sumakay na kami sa sasakyan namin at nag-drive na paalis.
Nakasuot ako ng headset habang tinatahak ang classroom namin. Hindi naman ganon kalakas ang tugtog kaya't naririnig ko pa rin ang mga nag-uusap sa labas.
Pagkarating ko sa bintana ng room namin ay medyo nagtaka ako dahil ang tahimik nila. Nakakapanibago lang dahil kadalasan ay maingay sila.
O baka naman may pakulo na naman sila gaya kahapon?
Tinanggal ko na ang suot kong headset at inilagay iyon sa bulsa. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at napahinto ako ng may nakita akong babaeng nakatayo sa harapan.
Sino siya?
Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito kaya hindi ko siya kilala. Maiksi ang buhok niya na hanggang balikat lang. Maputi rin siya at nakasuot din siya ng uniform gaya ko.
Sino ba 'to?
Tinignan ko naman ang mga ugok at mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa expression nila.
Ano ba talagang nangyayari ngayon?
Muli kong tinignan ang babaeng nasa harapan. Nakatingin lang siya sa mga ugok habang nakangiti.
"G-Guys... K-Kamusta na kayo? I really miss all of you, guys!"
Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa babae. Nakangiti siya habang tumutulo ang kanyang luha.
Tinignan ko ulit ang mga ugok at walang expression ang kanilang mukha. Tila bang hindi nila narinig ang sinabi ng babae.
Kilala ba nila ito o hindi?
Bakit ganon sila?
"Bakit ka nandito?" Napataas ang isang kilay ko sa tanong ni Vien gamit ang malaming at malalim niyang boses.
"V-Vien..."
"Bakit ka nandito? Bakit bumalik ka pa? Di'ba umalis ka na? Iniwan mo na kami? Iniwan mo na si Dylan? Ano ang dahilan mo at bumalik ka pa dito?"
Eh??
Para akong tangang nakakunot ang noo dito sa labas ng pinto habang pinapanood sila. Naguguluhan na talaga ako sa kanilang lahat mas lalo na sa mga tanong ni Zack.
Sino ba kase talaga ang babaeng 'to?!
"Z-Zack naman... Binalikan ko kayo. Bumalik ako dito para sa inyo." Parang nagmamakaawa na sagot ng babae.
YOU ARE READING
The Nerd Girl 'Secrets' (On-going)
Mystery / ThrillerShe known as a 'Nerd'. She's the nerd who came in section Ruby. She's the nerd who make section Ruby happy. She's the nerd that always section Ruby protect. She's the nerd that section Ruby treat her like a moon. She's the nerd that section Ruby's l...
