CHAPTER 28: DAY 1 OF SCHOOL FEST

111 2 0
                                        

Quichie's POV

Today is the school fest! 6 palang ng umaga, nandito na kaming lahat. Naglilinis at inaasikaso ang booth.

"Excited na akoooooo!"

Sigaw ni Vince at tumatalon pa. "Ako rin! Excited din ako!" Saad ko at sumayaw-sayaw pa.

"Kalmahan mo, Chie. Magwalis ka muna."

Kinuha ko ang walis na hawak ni ate at nagsimula na akong magwalis. Hindi namam gaano karumi pero syempre, kailangan parin na malinis yung booth namin.

Maya-maya lang ay dumating na sila sir Grabo kasama si ma'am Loise. Nakangiti nila kaming sinalubong.

"Good morning, Ruby! Kamusta na ang booth niyo? Maayos na ba ang lahat?"

Tanong ni sir Grabo sa amin. "Opkors naman, sir! Baka kami lang 'to." At nag-flip hair pa talaga si ate kaya nagsi-tawanan kaming lahat.

"Oo nga naman. Baka section Ruby lang yan."

Pagsakay ni ma'am Loise sa trip ni ate. "Infernes ma'am, blooming ka po ngayon." Nakangising saad ni ate. Nanlaki ang mata ni ma'am at namula.

"A-anong bang s-sinasabi mo, Minz?" Nahihiya at natatawang tanong ni ma'am. "Iba talaga kapag inlove." Nai-iling na sabi ni ate.

Mas lalong namula si ma'am sa sinabi ni ate. Kahit si sir ay namula ang kanyang tenga ngunit todo naman ang kanyang pag-ngiti.

Buti pa lablayp nila ma'am. Sanaol.

"I-ikaw talaga, Minz. Btw, goodluck mamaya! Hoping na maraming pumunta rito sa booth ninyo mamaya."

"Thankyou po ma'am! Punta rin po kayo mamaya dito ni sir tapos confess hehehe."

Lahat kami ay natawa sa sinabi ni ate at um-oo din naman sila sir pagkatapos ay umalis na sila.

"Lapit na mag-seven. Magsi-ready na tayong lahat."

Lahat kami ay nagsipagkilos sa anunsyo ni Vien sa oras at tinapos na lahat ng ginagawa namin.

Ako, si Vince, si Shan, si Blade, si Khym at si Zack ang magtatawag ng mga customers para pumunta dito sa booth.

Habang sila ate Minz, Dylan, Vien, Tristan, Vance, at Danth ang mag-aasikaso sa mga customers.

At ng iba naman ay ang magsasabi ng mga confessions at mag-aasikaso sa tugtog. Nagsi-handa na kaming lahat at nae-excite narin.

6:56 na kaya nagpa-tugtog na sila Kai ng 'Pasilyo' by Sunkissed Lola. Sila Michael naman ay inaayos ang mga mikropono.

Maya-maya lang ay tumunog na ang bell hudyat na simula na ang school fest. Marami ng mga tao ang nagsi-pasukan at punta sa bawat booth's.

"HELLO MGA GUYSES! ARAT NA SA CONFESSION BOOTH AT MAGCONFESS!"

"PWEDENG-PWEDE ANG KAHIT ANONG CONFESSION DITO!"

"KUNG HINDI MO KAYA MAGCONFESS KAY CRUSHIECAKE, DITO SA BOOTH MAKAKAPAG-CONFESS KA NA!"

"KUNG GUSTO MO NAMANG MAKIPAG-BALIKAN SA EX MO? ARAT NA DITO AT I-CONFESS NA YAN!"

"SA KAIBIGAN MONG BACKSTABBER?! ILABAS MO NA SAMA NG LOOB MO DITO!"

"SA BIDA-BIDA MONG CLASSMATE?! SPILL MO NA DITO!"

"KAYA GUYSES, ARAT NA!"

Paghihikayat namin sa mga taong dumadaan dito. May mga grupo ng kababaihan at kalalakihan ang nagpunta dito sa booth namin.

Yung iba mga taga-rito sa school nag-aaral at ang iba naman ay outsider. Pwede kaseng pumunta rito ang mga outsider sa school fest namin.

"Magkano magpa-confess, ate?"

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Stories to obsess over. Discover now