Warning: this chapter contains physical and sexual harassment so if you don’t want to read this, you can skip this chapter or be open minded.
Shan POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino ang mga kasama ni Kean na nagligtas sa’kin. Kilala rin nila ako kaya baka kilala ko rin sila.
Sino kaya sila?
At bakit kasama sila ni Kean?
“Anak, halika na dito at kumain.” Napatingin ako kay mama na nag-aasikaso ng mga pagkain sa hapagkainan kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tinulungan si mama.
Pagkatapos naming ayusin ang lamesa ay umupo na kami at nagsimula ng kumain. “Hindi kaba nila sinaktan, anak? Ayos kalang ba talaga?” Muling tanong ni mama sa’kin.
“Ayos lang ako, ma. Huwag na kayong mag-alala.”
“Sinabi ko naman kase sa’yo na itigil mo na ang pakikipag-away niyo.”
“Mama naman. Tumigil na kami. Tumigil na kaming makipag-away nung dumating si Minz samin.” Sagot ko kay mama. “Minz? Yung bago niyong ka-klase na babae?” Tanong ni mama.
“Opo. Napaka-sadista niya eh.”
Parehas kaming natawa ni mama sa sinabi ko. “Mukhang nakahanap na kayo ng katapat ninyo.” Tatawa-tawang sambit ni mama.
“Oo nga po, ma. Mas lalo na si Dylan, mukhang tinamaan na rin sa kanya.”
Napangiti si mama sa sinabi ko. Naalala ko kase yung mga nakaw-tingin ni Dylan kay Minz.
“Nahahalataan ko rin sa kanya na mukhang nagbago siya. Dati kapag pumupunta sila dito sa bahay eh puro mga pasa at sugat ang mga nasa mukha nila. Pero kanina, ni-isang galos wala. Ang makikita mo lang sa mukha nila ay pag-aalala dahil nga tatlong araw ka nang nawawala.”
Natigilan ako sa sinabi ni mama at napangiti. Hindi madalas magpakita ng emosyon sila Dylan pero yung kanina, pagkakita ko sa kanila ay makikita mo talaga na labis silang nag-aalala.
“Mga tunay talaga silang kaibigan, ma.”
Nakangiti kong saad kay mama. “Oo nga, anak. Minsan kalang din makakahanap nang kagaya nila. Yung pagiging tunay nilang kaibigan sayo.” Sambit ni mama.
“Haynako! Tama na nga ‘tong drama na ‘to. Kumain na tayo, mama.”
Sabay kaming tumawa ni mama at ipinagpatuloy na namin ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta ako na ako na ang magliligpit at maghuhugas ng plato ngunit pinigilan ako ni mama at sinabing magpahinga nalang daw ako.
Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama at tumulala sa kisame.
Sa pagkakatulala ko sa kisame ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Xymon POV
Maaga akong pumasok sa school ngayon. Pagkapasok ko sa classroom namin ay agad kong nakita si Blade. “Woah! Aga natin pumasok ngayon, Xymon boy ah!” Puna sa’kin ni Blade. Palagi kase siyang maaga pumasok.
“Ulol. Tigilan mo’ko.”
Tumawa lang siya sa sinabi ko at umupo na ako sa tabi niya. Maya-maya lang ay isa-isa na rin silang dumating. Ang pinakahuling pumasok ay si Minz.
Palagi naman siyang nahuhuling pumasok samin.
“Good morning, mahbois!”
Masayang sigaw ni Minz pagkapasok. “Good morning!” Bati namin sa kanya pabalik. Umupo na siya sa upuan niya at kinuha ang notebook sa bag niya.
“Uyy, Danth, tulog boy. Nasagutan mo na yung assignment natin sa math nung nakaraang araw? Patulong naman ako oh.”
Nakatingin kaming tatlo nila Kean at Blade kila Minz. “Pustahan, may masamang nakatingin sa kanilang dalawa.” Biglang sambit ni Kean kaya agad naming tinignan ni Blade ang tatlo.
YOU ARE READING
The Nerd Girl 'Secrets' (On-going)
Mystery / ThrillerShe known as a 'Nerd'. She's the nerd who came in section Ruby. She's the nerd who make section Ruby happy. She's the nerd that always section Ruby protect. She's the nerd that section Ruby treat her like a moon. She's the nerd that section Ruby's l...
