Hindi ko namalayan na habang nakikinig ako sa mga laro sa labas ay nakatulog ako. Ganon din si Raisse na mahimbing ng natutulog. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at sinout ang jacket, tinignan ko ang orasan at wala na ang death hour. 10 pm na kasi ng gabi.
Lumabas na 'ko at naglakad lakad sa hallway.
"Again." Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Ang boses na 'yun ay pamilyar......:shuta yung lalaki kagabi. Atat akong lumingon sakanya at tama nga ang hinala ko.
Ayan na naman sya sa sout nyang parang multo, asawa ata to ni Mrs. Black.
"Ikaw na naman." Usisa ko sakanya.
"How many times I told you that, bawal lumabas ng disoras ng gabi." Teka kakalabas ko lang ah, langya.
"Tangina mo ah, 10 pm pa lang naman, hindi kaba tumitingin ng orasan."
"Name?" Binaba nya ang ulo nya sa notebook na hawak hawak nya, naghihintay kung kailan ako magsasabi ng pangalan ko.
Tss no choice.
"Xhiza Amara Hellton." Gulat nyang inangat ang ulo nya, nag eye to eye contact kami. Shuta ang ganda ng mga mata nya kahit naka facemask.
"Y-you!" Nauutal nyang sambit, tss alam ko namang nakaka-utal ang pangalan ko eh, lalo na ang kagandahan ko.
"Tss, aalis na 'ko, nagugutom ako." Akmang lalakad na ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Anong gusto mong kainin, I'll buy it for you." Yung boses nya, biglang lulambing.
"W-wala, cge na, aalis na 'ko." Tuluyan na akong umalis sa harapan nya.
Dumeresto ako sa malapit na tindahan. May nakita akong isang manang na nagtitinda ng mga pagkain. Lumapit ako rito at pumili ng bibilhin.
"Hamburger na lang manang." Inayos ni manang ang order ko.
"Ito ija— Xhiza?" Taka ko syang tinignan. Shuta pati dito, kilala ako.
"A-ah pano nyo po alam ang pangalan ko?" Magsasalita na sana sya ng may nauna sakanya.
"Manang Niña." Boses babae ang narinig ko galing sa kalayuan.
"Manang, long time no see!" Isang babae na mukhang strikta ang itsura nito.
"Ay Ma'am Kierra." Bati ni manang, parang hangin lang ata ako dito eh, lalakad na sana ako ng magsalita ang babae.
"Miss. Hellton." Tangina naman oh, ang weird nila ngayon, pati ba naman apelyedo ko, alam nila.
"B-bakit po?"
"Why are you here? It's already 12 in the midnight." Tinignan ko ang orasan, 12:00 pm na pala.
"B-bumili lang po ako ng pagkain." Sino ba ang babae na 'to?
"I'm Kierra Amerhest, the handler of this University." Shuta nabasa nya pala ang nasa isip ko.
"H-hi po." Bat ba ako kinakabahan sa babae nato.
"Are you aware of the death hour right?" Tumango ako.
"Alam ko bang anytime ay pwede silang sumugod dito, pano kung may masamang mangyari sayo." Hindi ako nagsalita. Sabi ni Raisse, around 5 to 8 pm ang death hour, may possibility pala na anytime.
"Raisse is right, around 5 to 8 pm ang patayan, but anytime ay susugod sila rito, kaya pumasok kana sa loob." Tumango ako sakanya. Shuta handler pala ng university eh.
Naglakad na ako papalayo sakanya habang kinakain ang binili kung pagkain, bat ang weird nila ngayon? Narinig lang nila ang pangalan ko ay nauutal, nagugulat, at parang may pake sila sakin, I'm just a fvcking newbie here.
Are you familiar with the "Hell University"?, yeah! Magkatulad sila dito, kung saan libre ang pagpatay, pero shutangina lang ah, nakikigaya ba sila sa uso ng HU?
Kaninang umaga ay yung queen na nagngangalang Danielyza ba yun? Oo yun nga. Tas sunod naman ay yung lalaki na naka black lahat, asawa yun ni Mrs. Black, tamo. Sunod naman ay yung si Ms. Kierra, halata sa boses nya ang pag-aalala.
Pagkapasok ko sa dorm ay tulog parin si Raisse kaya deretso na lang akong natulog uli.
Kinabukasan. Maaga akong nagising kesa kay Isse. Naghanda ako ng pagkain para sa agahan ko, titirhan ko na lang si Isse para kainin nya mamaya. Aalis na ako para sabay kami ng mga kaibigan ko.
"Owemjjii do you know Melvin ba Kwen?" Kanina pa sila nag-uusap dito, tangina lang kasi para akong hangin na hindi nag exist.
"Ahh yung handsome ba in our classroom?" Tumango naman si Kwenzy.
"Oo be! He's courting me na!" May pa hampashampas pa sya sa braso ko. Wow lang ha, matapos akong hindi pansinin ay papaluin lang ako.
"Anong gusto nyo, mamatay ng maaga?" Dun lang sila napigilan ng magsalita ako. Shuta kayo.
"Ay hala Amara, ikaw kasi eh di ka nagsalita." May pa iyak iyak patong babae nato.
"Yah! Jel is right, you are not talking kasi eh." Sambit naman ni Kwen.
"Tss tigilan nyo yang ka conyohan nyo ha."
"Aye aye captain." Sabay pa silang sumalodo sakin.
Matapos ko silang ihatid sa classroom nila ay pumasok na ako samin. Pero nakasalubong ko muna si Raisse, mukhang galit.
"Bakit mo 'ko iniwan dun? Arghh fvck! Dapat ako ang naghahanda ng pagkain." Pinagtitinginan na kami ng iba dito, tangina nag iskandalo pa.
"Mamaya mo na 'ko pagalitan, pasok na tayo."
"Next time, ako dapat ang naghahanda ng pagkain mo, you don't need to serve me." Shuta tinirhan ko lang naman sya kasi may natira.
"Bahala ka nga dyan." Pumasok na ako sa room at bulungan na naman ang narinig ko.
"Hala magkasama na naman sila."
"Oo nga no!"
"Baka ginayuma nya no."
"Kahapon pa yan."
BWESIT!!
Nahalata ata ni Raisse ang pagkainip ko kaya biglaan syang sumigaw.
"Fcvk! Can you stop murmuring about Amara!" Galit nyang sambit, parang mga tuta na nagsitanguan ang mga tao sa loob.
Matapos ang ilang minuto ay pumasok na si Proffesor kai, marami din syang diniscuss.
Pagkalabas namin sa room ay bulungan na naman ang narinig ko. Punyeta dapat Bloody murmuring ang tawag dito eh. Mga chismosa.
"Alam mo hindi ko pa talaga nakikita ang mga gangs simula nong isang araw."
"Ako rin be eh."
"Na miss ko tuloy sila alas.
Yan ang naririnig ko. Lumingon ako kay Raisse na naintindihan naman ang ibigsabihin ng mga isip ko.
"You want to meet the gangs?" Wala sa oras akong napatango. Sino ba talaga sila?
YOU ARE READING
Bloody Confession [DS#6] - COMPLETED
Mystery / ThrillerDisaster will happen about the confession. Everything will change it. Are they going to survive?