Skyla's POV:
Mabilis pa sa alas kwatro ang takbo ni Alas, ni di nga namin maabutan sa sobrang bilis n'ya. Kahit umiiyak ay patuloy parin kami sa pagtakbo para hanapin si Amara. She need us.
"Takte, asan na si Alas?"
"Biglang nawala,"
"Di natin alam kung saan dinala si Amara," nag iisip ako. Alam naming kalaban ang kumuha sakan'ya. Pero ang pinagtataka ko lang, kung kalaban ba talaga ang kumuha kay Amara edi sana tumunog ang secret bell. Sana umilaw ng pula diba, 'yun ang mga senyales pag pumasok ang mga kalaban.
But walang tumunog, walang DDH, walang alarma na pula. Ibig sabihin non......andito lang sa loob ng campus ang kalaban.
"Sa secret faculty, ando'n si Amara," taka naming tinignan si Junnel. Bat n'ya alam?
"I can read minds, Skyla." Aniya bago ngumiti.
"Walang tunog, walang DDH, walang alarma na pula ibig sabihin andito lang sa loob ng campus ang kalaban. Think of it. Si Amara ang kinuha and anong meron kay Amara? Powers. So, isang lugar lang ang pwedeng ilagay s'ya. Secret faculty." Hindi ko kailan man nakita si Junnel na seryoso, baka ngayon lang.
"So let's go!! Amara need us, right?" Ngumiti kaming lahat sakan'ya bago tumakbo.
Ang akala namin ay mapapadali ang pagpunta namin doon sa SF, kaso nagka mali kami. Biglang huminto ang lahat, tumunog ang alarmang pula. Ibig sabihin, naamoy rin nila. Putcha, mahihirapan na kami nito.
"Mag hiwa-hiwalay tayo, girls and Val, do'n kayo banda ang natira sa'kin sasama!" Sigaw ni Isonoe bago tumakbo sa kaliwang dereksyon. Nagsisimula na silang makipag patayan.
"Damn! Skyla, sa likod mo!" Awtomatiko akong napa lingon sa likod ko. Do'n ko nakita sila, sobrang dami nila.
Bago pa nila ako masuntok ay naka ilag na 'ko. Dalawa silang kaharapan ko ngayon at ang lalaki pa ng mga katawan. Agad sumugod ang isang lalaki sa dereksyon ko, dala dala n'ya ang espada. Tumakbo ako para salubungin s'ya, hindi para mamatay kundi gawin ang tiknik.
Nang maka salubong ko s'ya ay agad n'yang tinusok sana sa'kin ang espada na hawak n'ya kaso late na s'ya, nauna kung matusok ang spelled knife sa puso n'ya.
"Skyla! Salo!" Napalingon ako sa sumigaw, it was Collie na duguan na rin ang damit. Unti unti na ring umuulan, mahihirapan ako nito kasi maputik na naman.
"PAPATAYIN KO KAYO!!" Nilusong ng isang lalaki si Collie at dahil busy s'ya makipag laban sa iba ay ako ang agad na tumakbo para maunang pumaslang sa nilalang na 'to.
"Nice one, Sky!" I smirked.
Amara's POV:
Sa masukal na kagubatan, tumatakbo ako, hinihingal. May humahabol ba sa'kin? Nasan ako? Bat nasa gubat ako? Sa pagkaka-alala ko ay nasa likod lamang ako ng campus tas biglang may lumapit sa'king lalaki at tinakpan ang bibig ko. Sino ba s'ya? Nasan ako?
"Papatayin kita!" Awtomatiko akong napalingon sa nagsalita. Do'n ko nakita ang isang matandang lalaki na nakikipag patayan sa isang lalaki rin. Teka sino sila? Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ko ng mabuti ang itsura ng matandang lalaki. Si papa.....
"Papatayin muna kita, bago mo mapatay ang mag ina ko!!" Sigaw ni papa, teka anong nangyayari? Anong ginagawa ni papa?
"Papatayin ko sila!! Papatayin rin kita!!!"
"Walang kasalanan ang mag ina ko, ako lang!! Ako!!" Anong pinag sasabi nila?
"Pinatay mo ang mag ina ko! Kaya papatayin ko rin ang iyo!!" Sigaw ng lalaki.
Agad na tumayo si papa at sinuntok ang lalaking ka harap n'ya. Agad na napasubsob ang lalaki sa putikan. Napa-angat ang aking mga tingin sa kalangitan, nandidilim ang langit at malakas ang ulan. May bagyo? Pero bakit parang di ako nababasa?
Nang makabawi ay agad sinuntok nung lalaki si papa, napatalsik si papa pero agad din namang tumayo.
"Wala kang mapapatay ni isa sa'min!!" Nanlaki ang mata ko ng makitang pinaslang ni papa ang lalaki. What the fvck, pumatay si papa?!
"M-magbabayad ka! Isinusumpa ko! Ang iyong nag iisang anak, pag sumapit ang kan'yang ika-labing walong kaarawan ay m-mamamatay s'ya!!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki. A-ako mamamatay? Bigla kong naalala ang aking kaarawan, n-ngayon ang aking kaarawan.
Nang tuluyan ng makabawi ay tumayo si papa. Nabigla pa nga ako ng tinignan n'ya ako ng naka-ngiti.
Naramdaman ko ang mga nag iinit kung luha, na miss ko na si papa. Miss na miss ko na s'ya.
"Anak, alam kong kaya mo. Alam kung malalagpasan mo, talunin mo ang gustong pumatay sa'yo. Lumaban ka para sa'min ng magulang mo. Pasensya kana at wala si papa sa tabi mo, pasensya na't di kita maprotektahan. Sirain mo ang sumpa, mahal na mahal ka namin ng mama mo. Maligayang kaarawan, anak ko." Humikbi ako habang sinasabi 'yon ni papa.
"Papa, miss na miss ko na rin po kayo ni mama. Pangako po, tatalunin ko sila para sainyo, puputulin ko ang sumpa!" Matapos kung sabihin 'yon ay biglang natumba si papa, nag aagos ang pulang likido sakan'ya. Ngunit bakas sa mukha nito ang saya at hindi ang kalungkutan. Masaya s'ya dahil nakita n'yang muli ang kan'yang anak.
————————————-

YOU ARE READING
Bloody Confession [DS#6] - COMPLETED
Mistério / SuspenseDisaster will happen about the confession. Everything will change it. Are they going to survive?