Kabanata 8

11 4 0
                                    

Naglalakad na kami ni Isse sa hallway ngayon. Sabi ko kasi sakanya na naiilang ako sa loob kaya nagpasya akong umalis na lang. Marami kasi akong katanungan.

"Isse, ano ba! Bakit walang nangyayari? Ano ba kasi ang ibig sabihin nung Death Disaster Hour? Anong silbi ng bloody confession? Ano bang meron sa nawawalang prinsesa?" Deretsahan kung tanong rito.

"Gusto mo malaman?" Tumango ako.

"Pumasok muna tayo sa dorm, dun ako magkwekwento." Ako ang nag unang maglakad sakanya papunta sa dorm namin.


Raisse's POV:

So I'll tell her the story.

"Isse, bilis, makikinig ako!" Kanina pa na aatat ang prinsesa namin. Kaya nagsimula nakong magkwento.


"Okay, makinig ka! Dun tayo magsisimula sa Bloody Confession." Makikita mo sa mga mata nito ang pagkamangha, katulad nga sya sa sinabi samin ni Mr. Diego.


"Bloody Confession, ang bloody confession ay may sumpa, it's actually a bloody disaster love confession, dahil nagsimula ito sa dalawang tao na nag-iibigan. Si Jorga Mahina at Fransisco Malakas, silang dalawa ay matalik na magkaibigan. Si Jorga ay may kapatid na nag ngangalang Jearna, si Jearna ay may gusto sa matalik na kaibigan ni Jorga na si Fransisco. Ngunit sa di inaasahang panahon, si Fransisco ay nahuhulog na kay Jorga. Galit na galit sa Jearna ng malaman nya 'yon. Yung araw na mag coconfess na si Fransisco ay may masamang balak si Jearna. Naganap ang pag-iibigan nilang dalawa, ngunit sa pag-amin ni Fransisco sa kanyang nararamdaman ay sya namang bumagyo ng malakas. Tuwang tuwa si Jearna ng makita nyang nahihirapan ang kanyang kapatid at minamahal. Ngunit bago mag laho ang lahat ay sumigaw si Jearna "ISUSUMPA KO, SA ARAW NG LABING WALONG GULANG NG INYONG ANAK AY MANGYAYARI ANG HINDI INAASAHANG DIGMAAN NA MAGSISIMULA SA PINAKA-MALAKAS NA BAGYO." Lumipas ang ilang taon ay payapang namumuhay ang mag-asawa ngunit wala na silang balita pa kay Jearna. Na-isilang ng payapa at maganda ang kanilang anak na babae."

Makikita mo ang gulat, pagkamangha, galit, lungkot, saya at kung ano ano pang klaseng emosyon sa mata ni Amara. Kung alam mo lang na ikaw ang tinutukoy kung maganda at payapang babae.

"Hala, ang sama pala ng tiyahin nung babae." Naghihinayang nyang sambit, oo, napakasama ng tiyahin mo...........Amara.

"Sunod? Yung ano ang ibig sabihin nung Death Disaster Hour." Para syang bata na nag aabang ng kwento.

"Okay, so procced to the next story." Tumango-tango sya.

"So ayon na nga, diba naikwento ko na sa 'yo ang tungkol sa Demon Warriors? Yun ang pinamumunuan nila Meranda at Clinton. Ang mga anak ni Jearna. Nakakapagtaka diba? may mga anak pala ang bruha na 'yon." Tumawa ako, pero sya seryoso ang mukha. Bwesit na babaeng to.

"At dahil patay na si Jearna at ang anak nila Jorga at Fransico ay ang babaeng isinumpa ni Jearna ay syang hinahanap nila Meranda at Clinton, kinakailangan ng magkapatid ang dugo ng babaeng isinumpa ng kanilang ina upang muling mabuhay si Jearna. Ang mga Demon Warriors ay syang mga nilalang na gumagawa ng klase't klaseng disaster, katulad ng ulan, bagyo, lindol, baha, landslide, volcanic eruption, tsunami, at iba-iba pa. Ang bloody gang at devil gang ay nag-kakaisa para matalo ang Demon Warriors ngunit masyado itong malakas. Kaya wag mo ng isipang lumabas dahil baka sa paglabas mo bagyo at dugo na ang makikita mo."


"Kaya pala, may tanong pa 'ko Isse." Nag sign ako ng "go ahead."

"Diba sabi mo ang anak nila manang Jorga at manong Fransisco ay syang isinumpa, ano ang pwedeng gawin nung babae para maputol ang sumpa?" Imbes na sumeryoso ay natawa ako, sino ba naman ang matinong anak na tatawaging manang at manong ang sariling mga magulang, sabagay hindi pa nya 'to kilala.

"Seryoso ako Isse ha, ano nga!" Nag-iisip ako.

"Nakasulat na 'yon sa libro eh, at ang sabi dito sa ika labing walong taong gulang nung babae ay kailangan nyang umamin sa nararamdaman nya dun sa lalaking napupusoan nya, para maputol ang sumpa."

"Ang easy naman non, yun lang pala ang gagawin nung babae eh!" Sumeryoso ang mukha ko, na syang pinagtaka nya.

"Mamamatay sya." Tumigil sya, na animo'y parang nag sisisi sa sinabi nya kanina.

"May iba pa bang paraan para mailigtas sya, bukod sa pag amin nya sa kanyang 18th birthday?"

"Meron."

"Eh ano?"

"Ang lalaking kasintahan nung babaeng isinumpa ay kailangan nyang patayin ang kaniyang sarili upang maputol ang sumpa."

Nanlaki ang mga mata nya.

"Pano kung sabay silang namatay?" Naguluhan ako sa tanong nya, pero agad ko ding binawi dahil naintindihan ko naman.

"Lahat ng kalaban ay matatalo at lahat ng mga nangyari ay maglalaho."

"Pero mamatay siya or sila." Tama ka, mamatay sila dahil sa pagmamahalan, at maswerte ang lalaking iyong mamahalin............ Amara.


Rynalyn's POV:

It's so ewewwww here, buti na lang nandito sina Jelyn at Kwenzy edi may ka vibes ako.

"Owemjiii Ry, look at this oh, i have a new liptint." Saad ni Jelyn sakin. I justs smiled at her.

Eh kasi bukod kay Amara(she's the princess tho) kailangan ko din protektahan ang mga kaibigan nya sa pwedeng mangyari. I'm a secretary og all the gang at papatayin nila ako pag hindi ko nagampanan ang tungkulin ko. It's so bwesit kaya.


Akalain mo yun ang nakasulat sa libro, ay nagkatotoo nga.

Book of rule#97 - ang babaeng isinumpa ay sya mismo ang papasok sa unibersidad, ang kaniyang sariling mga paa ay ang magdadala sakanya sa kamatayan.

I'm so matalino talaga kasi naalala ko pa ang ang rule na 'yon.

But i felt bad for Amara, kasi may possibility na kunin sya sa mga anak ni Jearna(tita ni Amara) at kung hindi naman ay mamatay sya dahil sa sumpa.

Ang swerte naman ng lalaking mamahalin ni Amara, sa isang pagmamahalan ay may kailangang mag sakripisyo, or pwede din silang dalawa. Sana nga may ibang paraan pa.

Speaking of mamahalin ni Amara. Tama, shit! Ang titigan nila Alas(Karl) at Amara ay kakaiba, alam kung napansin din 'yon nila Isonoe kanina. Parang may pagmamahalan na agad ang namutawi sa mga mata nila. Ship! Baka si Karl ang lalaking nasa rule#143.


Book of rule#143 - ang isang lalaking makisig at ang unang lalaking makikita ng babaeng isinumpa sa gabi ay syang mamahalin nito.

Bloody Confession [DS#6] - COMPLETEDWhere stories live. Discover now