46 : HABITS

218 16 2
                                    

KREIA'S POV

“Krei, the case has been solved” Qwyn said and looked at me. She visited me in our house after their holiday trip from province.

Kuryuso akong bumaling sakanya at nagtaas ng isang kilay.

“I mean, the school already sent a copy of CCTV footage about the incident that happened last time” she sipped on her juice before continuing. “The girls were expelled!”

Ngayon lang naaksyunan? Too late, hindi ko na mabubura ang masasakit na salita galing sa ibang tao. Kung paanong ako ang napuruhan dahil inakala nilang ako talaga ang may kasalanan at gumawa ng bagay na ‘yon kay Ysa. The girl herself didn’t even have the urge to tell everyone the truth.

Nagkibit-balikat lang ako at humilig sa backrest ng upuan. I don’t have anything to say about that matter. Tapos na ‘yon, I don’t give a fuck. My heart is already broken and I’m in the phase of moving on.

Inilayo ko na lang ang usapan at tinanong si Qwyn tungkol sa bakasyon nila sa probinsya. Hanggang sa inabot na kami ng dapit hapon sa sala habang nag-uusap.

“Bibisita ka ba kay tito ngayon?” tanong niya at tumayo na dahil aalis na rin daw siya.

“Oo, pang night shift ako dahil wala pa namang pasok. Next week pa” sagot ko at nag inat-inat na.

Dad is still in the ICU being monitored, pero dahil umaayos na raw ang lagay niya sabi ng doctor ay baka ilipat na ito sa private room kalaunan kapag nagising na. Then next next week, he’ll be off and can go home already. Hope so.

Nang makaalis na si Qwyn ay nagpaluto na agad ako ng dinner para makakain na rin ako at dederetso na sa hospital. Sa ngayon ay si mommy ang naroon at nagbabantay kay dad. Salit-salitan kami dahil hindi naman pwedeng maraming bantay sa ICU.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa taas para makapagpaalam sa kapatid. Pumasok ako sa kwarto ni Keanne at nakitang naglalaro lang ito sa kanyang iPad. I sat near him and caressed his hair.

“Keanne, come with me” I spread my arms so that I can carry him out. Sumunod naman siya at nagpakarga nga sa akin.

Lumabas kami at umakyat pa sa susunod na palapag ng bahay. Keanne was smiling from ear to ear when he realized where we are going. Nang tumapat na sa pinto na dapat pupuntahan namin ay kumatok agad siya.

After a minute, Marius opened the door for us and give us space to see our sister. Nakahiga lang si ate habang hawak-hawak ang tiyan niyang lumalaki na. Nang makitang papalapit kami ni Keanne ay napangiti ito agad.

“Ate, how are you feeling?” I smiled at her and put Keanne down so that he can come closer to ate. Umupo agad ito sa tabi ni ate at nilagay ng marahan ang kamay sa tiyan nito. Ngiting-ngiti sa ginagawa.

“I’m fine” maikli niyang sagot at tumawa pa ng bahagya dahil sa ginagawa ni Keanne.

“May dinner na sa baba ha, aalis na rin ako agad” sabi ko at sinuyod pa ng mabuti ang sitwasyon ni ate. Sinisiguradong maayos nga ang kalagayan niya. Besides, hindi naman siya pababayaan ni Marius.

Tumango ito at biglang nagbago ang ekspresyon, mukhang nagulat lalo pa’t medyo napasigaw si Keanne.

“Alon kicked! The baby kicked, ate!” tuwang-tuwang ani niya pa. Hindi pa namin alam kung babae o lalaki ba pero may pangalan na agad siya dahil kay Keanne. Alon is a cute name, I like it.

Hindi na ako nag tagal sa bahay at dumiretso na nga sa hospital. Magandang balita agad ang bumungad sa akin dahil gising na raw si daddy at nakalipat na ng room. Naluluha akong pumasok sa private room niya, natutuwa dahil umaayos na nga ang lagay niya.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now