37 : REBEL

232 10 6
                                    

KREIA'S POV

Time, days, months, really flew so fast. Last week na ng summer next week. The enrollment is already approaching. Ang ginawa ko buong summer ay naging madalas ang pag stay ko sa studio ni daddy, minsan naman ay lumalabas kasama si Jah. Of course, mawawala ba ang walwalan with Qwyn? Hindi.

I am with her right now, nasa bahay ako nila dahil wala naman akong magawa sa bahay. Day off ko ngayon sa kompanya, may out of town shoot kasi ang mga staffs ni daddy tapos hindi ako sinama. He said that I must rest for our classes were already coming.

Kanina pa kami nood nang nood lang ng Netflix, nakakabagot din kaya si Qwyn ay abala na sa kanyang cellphone. May pa ngiti-ngiti pa ang ponyeta kaya sumilip ako ng konti kung sino ba kausap niya. I saw a name, but what I just read is ‘Josh’ because she immediately turned off her phone. Nakita niya kasing nakatingin ako.

“Sino ‘yon? May tinatago ka bang babae ka?” asik ko agad.

“Wala, si Josh Cullen nangungulit” sagot niya at tumalikod ng higa sa akin.

Nagtaka ako eh, lagi naman silang magkasama. Ngayon lang ata sila hindi nagsama kasi narito ako. Lagi kasing nandito si Josh sakanila, minsan dito pa natutulog yun.

Nag-iisip ako ng magandang gagawin nang mahagip ng mga mata ko ang isang frame sa side table ni Qwyn. It was a picture of us together with the MUDM students, sila John Paulo, Joshuel at Alexsandra.

I think I have a bright idea, niyugyog ko agad si Qwyn para sabihin sakanya ang naiisip ko.

“Hoy! Tara outing next week, Boracay for three days and two nights!” nae-excite kong sabi sakanya kaya napabangon din siya agad. “Isasama natin sila Paulo, namimiss ko na yung mga ‘yon!” giit ko pa.

“Next week? May training sila Josh eh, magpapaalam muna ako”

“Isama mo gaga! Tatlong araw lang naman” sabi ko pa.

“Alam mo namang strict yung trainor nila, hindi sila pwedeng mag-absent. Tsaka may elimination round kasi sila every week”

Yun nga lang, pero agad na ‘kong nag message sa group chat na ginawa noon. Though nagkakamustahan naman kami minsan dito.

They all agreed to my plan, next week from Wednesday till Friday ang napag-usapan ng lahat. Ngayon ay si Qwyn na lang ang inaantay. Treat ko na yung airfare back and forth ng lahat since ako naman ang nag-aya. Nae-excite na ‘ko!

Pag-uwi ko sa bahay ay balak ko na sanang sabihin kila dad ang plano ko for next week. Ngunit gulo na naman ang inabutan ko, si ate kasi ngayon na lang ulit nakauwi. Halos tatlong linggo rin kasi siyang nawala sa bahay at ang tanging rason niya lang ay nage-early study sila since the school year is about to start na nga.

Pero ngayon ay hindi na siya pinalampas nila mommy, nasa may pintuan lang ako nakadungaw sakanila habang nag-aaway. Ramdam ko yung galit ni daddy at the same time yung paghihirap ni ate na e-explain ng maayos sakanila ang lahat.

“Dad! Hindi ko naman kasi gagawin ‘to kung hindi lang naman para sa ikakabuti ko, intindihin niyo naman ako” humihikbing saad ni ate.

She’s almost on her knees, and it pains me. I wanna run and hug her tight right now, pero natatakot ako kasi baka mas lalong dumagdag pa ang galit niya sa akin. I will just try to talk to her later if she lets me in, inside her room.

“Just stop reasoning out, you’re grounded till the classes begins” dad angrily said and walks away.

Reanne then ran upstairs while sobbing really hard. Doon lang ako tuluyang pumasok sa bahay at dinaluhan si mommy na kanina pa nakaupo at nakatulala lang sa kawalan habang nag-aaway sila daddy at ate.

The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now