04 : MEDS

339 13 7
                                    

KREIA'S POV

The next morning around 5 am, I woke up on the floor in our rooftop! Feeling dizzy. Napapaligiran ako ng mga nakatumbang beer na wala ng laman. Shit, did I passed out last night?

Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi, mula sa pagsundo ni Jah hanggang sa ibalik niya ako rito sa bahay. Hindi ako natuloy sa bar dahil hindi tinuloy ni Jah ang paghahatid sa akin doon. Nag matigas pa nga ako at mag ga-grab na lang sana para dumiretso sa bar pero hindi talaga ako hinayaan ni Jah.

~~~

"Jah sige na, ihatid mo na 'ko sa bar" pagma-makaawa ko pa sakanya ng bigla niyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Alam mo bang tumakas pa 'ko sa bahay para lang sana ihatid ka sa importanteng pupuntahan mo pero importante ba 'to?" asik niya kaya natahimik ako. Hindi ko naman kasi alam na siya talaga yung pupunta eh.

"I'm sorry..." tanging saad ko na lamang at yumuko.

"Ihahatid na kita pabalik sa inyo" sabi niya pa, he then turned his car heading to our subdi.

"Uhm...nauuhaw ako Jah" saglit pang sabi ko sakanya kaya marahas niya na naman akong tiningnan.

"We will stop by the nearest 7/11" he heaved a deep sigh, nauubos na ang pasensya sa akin. Nang mahinto sa 7/11 ay agad akong lumabas sa sasakyan para bumili na ng bottled beers. Since 18 naman na ako ay siguradong pwede na ako bumili ng alcoholic drinks, but I bring my I.D. though. In case of emergency, you know what I'm talkin' about.

After buying my beers and pulutan ay bumalik na 'ko sa sasakyan ni Jah.

"What's that? Akala ko ba nauuhaw ka? Bakit beer yang mga 'yan?" he said with an angry tone as I sit beside him. Ano bang akala niya sa beer hindi inumin?

"Do you think I'll gonna buy water? Nah, kapag sinabi kong nauuhaw ako eto yung isa sa mga gusto kong inumin, Jah" I explained. Napa-iling-iling na lang siya sa kawalan na tila ba kailanman ay hindi ako maiintindihan.

Nang maihatid niya na ako pabalik sa bahay ay pinilit ko pa siyang pumasok muna at sabayan akong uminom sa rooftop.

"Dali na Jah hindi ko mauubos 'tong binili ko" I begged and pouted.

"Sinabing hindi nga ako umiinom Kreia!" sagot niya naman pero sadyang mapilit ako.

"Bakit? Sinabi ko bang iinom ka? Madami akong chips na binili kaya tulungan mo 'ko kumain" pagpipilit ko pa, bumuntong hininga naman siya at sumunod na lang sa akin. Napapayag din sa wakas!


Sa back door kami dumaan para deretso na lang akyat sa rooftop. Maganda ang tanawin sa taas, nakikita ang city lights kahit pa medyo malayo kami sa city. Nasa apat na palapag kasi ang bahay namin kaya makikita talaga ang mga ilaw na nanggagaling sa malayo.



"Jah, alam mo ba?" I asked him, a lil tipsy because I just finished 5 bottles of beer.

"Hindi, hindi ko pa alam" pamimilosopo niya pang sagot kaya natawa ako. Nanatili siyang nakatayo at nakahalukipkip sa railings habang kumakain ng chips at ginagala ang mata sa kawalan.

"Ngayon alam mo na, crush kita!" nakangisi kong saad sakanya, nabibigla naman siyang napaharap sa akin.

"Tama na nga yan, kung ano-ano na sinasabi mo. Uuwi na 'ko" lumapit siya sa akin at biglang kinuha sa akin ang beer na siyang iinom ko pa. Gusto ko mang bawiin ay hindi ko kaya dahil umiikot na talaga mundo ko, sakanya char not char~



The delicate man that capCURED my heartWhere stories live. Discover now