KREIA'S POV
"What's your ideal type?" one morning our prof asked us individually. Well, I got too excited to answer the question because my ideal type is just right beside me. Ito lang ang tanging nagustuhan kong recitation namin sa klase, hindi ko maiwasang ngumiti ng malapad. Hindi ko na rin mai-alis ang tingin ko kay Jah habang nag-uumpisa nang sumagot ang ilan sa mga kaklase namin.
Hindi rin nakatakas sa akin ang ilang tingin ng mga babae kay Jah habang sumasagot sa tanong, tuloy ay binibigyan ko ng masamang tingin ang kung sino mang pasiring na sumusulyap sakanya. Magkakamatayan kapag may susubok agawin sa 'kin si Jah. Palaban ako eh, kaya kong ipaglaban kahit na wala namang pag tingin sa 'kin. Well, malalaman natin 'yan kapag napa-ibig ko ang isang Justin De Dios.
"Open-minded, understanding, and fun to be with" Qwyn answered with a little doubt seen on her face. What's with her? Kanina pa siya tulala at parang wala sa sarili pagkatapos ihayag nang prof namin ang tanong. Hindi ko na siya napagtuunan ng pansin nang ako na mismo ang magsasagot pagkatapos niya. Taas noo akong tumayo at may malapad na ngiti sa lahat.
"A maginoo type, a lil bit serious but has more on sense of humor and most of all a Justin De Dios -- type" I answered with full of confidence, namilog naman ang mata sa akin ng prof at halos lahat ng kaklase ko ay napanganga sa isinagot ko maliban kay Jah na nakatingin lang sa kawalan na parang walang alam sa nangyayari tss. I have a straight-forward answer so hindi na ako magtataka kung bakit gulat na gulat sila sa pagiging on point ko. I mean, ang lakas kasi ng loob ko sumagot kahit na katabi ko lang si Jah.
Hindi naman ako nahihiya sakanya or what, ni kaba ay hindi ko rin maramdaman sa katawan ko. Ang alam ko lang eh, lumalakas ang loob ko kapag si Jah na ang pinag-uusapan. Hindi ko alam basta, grabe kasi epekto niya sa akin and I know that most of the girls here felt the same way. Sino ba naman kasi ang hindi lilingon or hindi mahahatak ng isang Justin De Dios?!
At sino pang magtatangkang umabsent sa school kapag siya ang katabi? Kung pwede nga ay kahit weekends may pasok para lang makita ko siya araw-araw eh.
"And now, let's all hear an answer from Mr. De Dios please" a flirty tone coming from our prof, hindi pa nakuntento at ipinatong ang dalawang siko sa kanyang mesa at ipinatong din ang mukha sa mga kamay na animo'y nagpapa-cute tss. Mas cute pa rin ako. Kung pwede lang gawaran ng masamang tingin ang isang 'to ginawa ko na hmp!
Lahat naman ng mga mata ngayon ay naka'y Jah, inaabangan ang bawat pagkilos at ang mismong sagot nito. Kahit ako ay hindi na rin mai-alis ang paningin sakanya, kelan ko nga ba inalis ang tingin sakanya?
"A Maria-Clara like...demure" he answered and then sat down. My heart felt like being stabbed with his answer, malayong-malayo sa pagiging maria-clara ang katangiang taglay ko. Shuta para akong binuhusan nang malamig na malamig na tubig.
Nanghihinang bumaba ang parehong balikat ko, kung kanina ay sobrang confident ko pa, ngayon ay tila nawala lahat nang lakas ng loob sa buong katawan ko. Sa ganitong paraan pa lang alam kong talo na 'ko, mas gusto niya yung mala-binibini kung tawagin. Yun bang sobrang hinhin at may maayos na pananamit, pormal at alam mong may patutunguhan ang buhay. Mahiyain at karespe-respeto, a demure one that can totally fit in with him.
Samantalang ako, pagiging confident lang ang malakas na balang ipanglaban. Ganda lang ang meron at kayang ipagmayabang. Bungangera at pagma-maldita lang ang alam, mapag-mataas kahit sobrang lalim lang naman kung tutuusin ang tingin sa sarili. Palaban kahit wala namang kasiguraduhan kung anong pinaglalaban, lasinggera, matigas ang ulo at hindi alam kung may patutunguhan sa buhay.
YOU ARE READING
The delicate man that capCURED my heart
FanfictionMaria Clara who? It's Kreia, the girl who made Justin De Dios fall for her below his standards. Unfortunately, she's also the girl whose caught between a strong mind and a fragile heart.