KREIA'S POV
"Oh, how's your gala last night?" Mom asked the moment I sit on the sofa in the living room. Kakagising ko lang at medyo late na, it's 11:30AM. Nakapag-lunch na kaya sila? Gutom na 'ko.
"Okay naman mommy, ang saya" I answered, remembering what happened last night. Maliban sa nangyari kay Qwyn dahil kapag sinabi ko ito ay tiyak hindi na ako papayagan sa mga susunod pa. Doble ingat na lang kami kapag gagala ulit.
"Ano anak, kayo na ba?" intriga niya pa ulit kaya napa-iling nalang ako sa kawalan. Masyadong excited si Mommy!
"Panigurado sinagot niya na yan Ma, si Kreia pa ba?" Reanne said while going downstairs, singit nang singit talaga 'tong babaeng to. Kurutin ko to sa singit eh.
"Kayo ng babe mo 'dear ate', ilang months na ba kayo?" maarte kong tugon sakanya pabalik kaya natigilan siya. Akala niya siguro di ko alam eh. Well, nabasa ko lang naman sa phone niya nakaraan habang nagdi-dinner kami sa resto. Nag CR kasi siya e, di dinala phone niya kaya ayun.
"Sino nga ulit yun? Ah! Si Marius ba? Yung 'war like handsome' ng Musika Unibersidad?" I added then smirked. Marius is a famous guy yeah, gwapo siya tapos vocalist ng banda sakanilang University. Tinitilian ng mga kababaihan pero nagtataka ako bakit itong yawa'ng kapatid ko ang jinowa? Ate's maganda naman pero mas maganda nga lang ako sakanya.
"Shut the fuck up Leanne! You don't know a thing!" she rolled her eyes then went straight to the kitchen. Nyenye, palibhasa kasi talo na naman. Asar-talo!
Mom followed her in the kitchen, kakausapin siguro si Ate dahil naglilihim ito sakanya pati na rin kay Dad. Mabuti na lang ako, sobrang open ko sakanila kaya walang problema pagdating sa mga ganyang bagay. Lalo na't si Justin yung magiging boyfriend ko. Hayyy sarap mabuhay!
Monday came and I am so excited to pick up Justin from their home. It's been a week or two, wala pa rin siyang sasakyan kaya sa akin muna siya sasabay pansamantala. I've texted him already that I am coming. Pagdating ko sa block nila ay naghihintay na siya sa akin sa harap ng gate nila. Nakangiti akong bumusina at huminto sa harap niya.
"Good morning babe!" I greeted as he opened my door. Nagtaka ako dahil binuksan niya yung pinto ng driver's seat.
"Good morning, ako magda-drive" sabi niya pa ng naka-ngiti kaya bumaba naman ako para lumipat sa kabila.
"Music prod ka pa rin ba dederetso?" I asked him when he started driving.
"Yup"
"Para saan ba 'yang pina-practice niyo?"
"Next week, iwe-welcome natin yung mga magvi-visit na students galing sa MUDM"
'MUDM'? Musika Unibersidad de Manila! Hmmm isa kaya sa mga students na bibisita yung jowa ni ate? Wala pang announcement yung school o student council about dyan pero nae-excite ako! For sure maraming ganap next week about music, kaya pala nage-ensayo yung DLSU band tsaka dance troupe!
"Edi buong week na naman tayong walang klase?" tanong ko pa. Walang klase pero required pumasok since attendance is a must at maraming activities na gaganapin. Lahat dapat mag participate!
"Yep, everyday may ganap next week"
Nang maihatid na ako ni Jah sa room ay siya ring pag-pasok ng president ng student council sa room. Ito na ata, ia-announce na yung mangyayari next week. So, there will be 20 students from MUDM that will be visiting our school next week. Lahat ay tahimik na nakikinig sa president, ang iba ay nagsisi-bulungan na dahil excited na rin sa gaganapin. Isinalaysay sa amin ang mga ganap sa day 1 hanggang day 5. Sa unang araw ay may gaganaping color fun run ang school pagkatapos ay iwe-welcome na ang mga bibisitang mga students galing MUDM. Pagkatapos ay buong araw silang ito-tour ng student council sa buong school. Day 2, the music and other production of our school will be showcasing their talent. Kasama na dun ang dance troupe tsaka ang band. Meron din ibang mga member ng prod na mapa-group man o solo na magpeperform sa araw na 'yon. Either singing, dancing, acting, stage play and whatsoever basta maiso-show case nila ang kanilang mga talents. Ikatlong araw ay ang mga bibisitang students naman ang magpapakitang gilas sa amin. The fourth day will be a basketball match between DLSU and MUDM. Hindi lang pala mga talented ang mga bibisitang students, mga athletes din pala!
YOU ARE READING
The delicate man that capCURED my heart
FanfictionMaria Clara who? It's Kreia, the girl who made Justin De Dios fall for her below his standards. Unfortunately, she's also the girl whose caught between a strong mind and a fragile heart.