15

973 28 3
                                    

Daniel's POV

DJ, wala akong alam sa sinasabi mo! Naaksidente ako at ngayon hinahanap ko lahat ng sagot sa mga tanong ko. Hinahanap kita!

I know you, but I can't remember our story anymore.

Natulala nalang ako bigla nang marinig ko 'yun sa kanya. Bumalik sya, bumalik si Chandria at hindi niya alam ang mga nangyari.

Hindi ko napansin na bumalik na pala si Hope, buti nalang at tinapik niya ako kaya bumalik ako sa katauhan ko.

"Mahal asan si Ria?" Tanong niya agad. Patay. Anong sasabihin ko ngayon? Tumayo agad ako at pinaupo ko siya. "Nag-CR din ba siya? Hindi ko naman siya nakita doon. Teka, anong ginawa mo? Umalis ba siya?"

Ganyan ang girlfriend ko, madaldal na cute pa magsalita. Para siyang anghel na kapani-paniwala ang mga sinasabi. Basta sobrang ganda at bait niya, 'yung tipong di makabasag pinggan? Hindi ko nga inakala na magmamahal pa ulit ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. Buti natutunan ko ulit magmahal, at sa tamang tao pa talaga.

"Huy, hindi ah." Inakbayan ko siya habang nakatayo ako. "Kaibigan mo 'yun, bakit ko naman papaalisin?" Napangisi ako. Siguro hindi ko muna dapat sabihin kay Hope ang past namin ni Chandria. Magkaibigan daw sila eh. Kahit na hindi si Hope yung tipo ng babae na sobrang possessive, ayoko munang malaman niya.

Hinawakan niya kamay ko habang naka-akbay ako sa kanya. "Eh nasan na nga siya?" Sumimangot na siya. Nako, Daniel, gumawa ka kaagad ng paraan! Ang babae hindi dapat pinapasimangot, dapat nakangiti lang!

"Ah..." Ano bang dapat kong sabihin? Si Chandria kasi basta umalis, hindi ko alam ang ipapalusot ko kay Hope. "Ayun! Oo nga, sinundo siya nung syota niya." Bingo! Mukha naman talaga siyang sinundo nung kups niyang syota, hindi naman kagwapuhan.

"Nandito si Enrique Gil kanina?" Biglang nagningning ang mga mata ni Hope. Fan nga pala 'to nung kups na 'yun, bakit ko pa ba nabanggit?

"Oy shh! Eh ano naman kung nandito 'yun? Mas gwapo ako dun, Mahal! Walang panama sakin 'yun!" Biro ko sa kanya.

Wala ba talagang panama sayo 'yun, Daniel? Eh naagaw nga niya si Chandria sayo noon diba? Para sa pangarap... sus, yun pala nilandi na ng mas mayaman kaya hindi na bumalik. Ayoko ng balikan ang mga 'yun, okay na eh, may band-aid na eh.

"Tara na nga," Tumayo siya at humawak sa bewang ko habang ako naman ay naka-akbay sa kanya. Naglalakad kami papuntang parking lot. "Oh, eh bakit siya ang sumikat at hindi ikaw?" Kasi inagaw niya sakin ang isang bagay na sobrang inalagaan at minahal ko. Masyado siyang... maraming alam sa buhay, kaya siya ang pinili at hindi ako.

Napa-buntong hininga ako at tumigil kami sa tapat ng kotse ni Hope. "Busy kasi ako pagtataguyod sa pamilya ko eh. Sayang 'no?"

Naisip ko na rin kung ano kaya ang buhay ko kung naging artista ako? Ganito rin kaya ako? Magbabanda pa kaya ako para lang may pambayad kami sa kuryente? Tatanggap kaya ako ng extra na labada para matulungan ko si Mama sa gastusin sa bahay? Baka hindi, ano? Baka lagi akong wala sa bahay dahil busy ako pagsu-shooting at kung anu ano pa. Buti nalang hindi ako sumikat.

Tumingin lang si Hope sakin. Isa 'to sa mga problema ko, hindi boto ang pamilya ni Hope sakin. Isang pamilya ng mga doktor? Mukhang hindi talaga papayag na ang makakatuluyan ng bunso nila ay isang lalaki na ni wala man lang sasakyan kahit motor lang.

Alam ko rin naman na gusto nila ng mas maliwanag na future para kay Hope, handa ako sa mga maaaring mangyari hindi lang ngayon. Gusto ko rin naman kasi ng magandang kinabukasan para kay Hope, gagawin ko lahat para maging mabuti ang kalagayan niya sa mundong 'to. Mahalaga sakin si Hope eh.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon